MMP-44

10.4K 267 33
                                    

SERENITY's P.O.V

"May problema ka ba, anak?" Napahinto ako sa pagtulala sa labas ng bahay namin nang marinig ko ang boses ni Mama na nagsalita mula sa likod ko. Paglingon ko dito ay nakatingin ito sa akin na may pag aalala sa mukha niya.

"Wala po, Mama," pagsisinungaling ko at nagpilit ng isang ngiti. Nakita ko namang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Naupo ito sa tabi ko at ipinatong ang kamay niya sa likod ko.

"Alam kong may bumabagabag sa isip mo, anak. Tungkol ba ito sa paghinto mo sa pag aaral?" May himig ng lungkot na sabi ni Mama. Napagdesisyonan ko kasing huminto nalang muna sa pag aaral para makatulong muna sa kaniya sa mga gastosin namin. May mga utang rin kasi kami na kailangang bayaran. "Hindi mo naman kailangang huminto sa pag aaral. Kaya ko namang gawan ito ng paraan."

Umiling ako sa sinabi ni Mama at muling pinilit ang sarili na ngumiti. "Hindi, Mama. Desisyon ko naman na huminto muna sa pag aaral. Pwede naman akong mag aral ulit pag nakaluwag-luwag na tayo."

"Kung gano'n anong gumugulo sa isip mo?" Tanong pa ni mama.

"Wala po, Mama." Sinubukan kong ngumiti pa dito para maniwala na siya sa akin. Thankfully, mukang napaniwala ko naman si mama.

"Nga pala, hindi ko na nakikita si Freen, busy ba siya?" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na nagawang magpeke ng ngiti kay Mama. Nang mabanggit nito ang pangalan ni Freen ay parang bumalik rin sa akin ang lahat ng naramdaman ko no'ng gabing 'yon.

"Nag away ba kayo ni Freen?" Dagdag na na tanong ni mama nang hindi ako sumagot sa naunang tanong niya.

Ilang saglit pa anong natahimik at hindi alam ang sasabihin hanggang sa maramdaman kong ang mahinang pagtapik ni mama sa likod ko.

"Normal lang sa relasyon ang mag away, anak. Ang importante ay dapat alam niyo kung kailan niyo dapat ayosin ang mga away niyo. 'Wag niyong hahayaan na tumagal ang mga hindi niyo pagkakaunawaan," seryosong sabi ni mama pero nanatili lang akong tahimik.

"Hindi niyo talaga maiiwasan na mag away, pero dapat alam niyo kung kailan kayo magpapakumbaba," dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama na wala na kami ni Freen. Alam kong kahit papaano ay napalapit na rin sila ni papa dito. Hindi naman kasi mahirap na pakisamahan si Freen.

"Mabuti pa ayain mong dumalaw dito si Freen bukas para maipagluto ko," suhestyon ni Mama kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin pala ito sa akin at nakangiti.

"H-hindi pwede, Ma," mahinang sagot ko. Napansin kong kumunot ang noo ni mama kaya napayuko ako.

"Ano ka ba naman, Anak? 'Wag mong sabihin na masyadong mataas ang pride mo? Hindi mahalaga ang pride sa bawat relasyon, Arya. Baka iyan pa ang sumira sa inyo," sermon nito sa akin kaya umiling ako.

"Hindi po sa gano'n," halos pabulong na pagsagot ko. Hindi naman si mama umimik kaya muli akong nagsalita.

"W-wala na po kami ni Freen."

Ramdam kong natigilan si Mama sa sinabi ko kaya saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ako nag angat ng tingin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksyon ni Mama sa sinabi ko.

"B-bakit?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Napangiti ako ng mapait nang maisip ang rason kung bakit ako nakipaghiwalay kay Freen. Muling namuo ang mga luha sa mga mata ko.

Mahirap man para sa akin ay ikunuwento ko kay Mama ang lahat ng nangyari. Simula roon sa pagkausap sa akin ng mommy ni Freen hanggang sa mga nalaman ko.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon