SERENITY's P.O.V
"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo? Pwede namang ako na lang muna ang umasikaso ng lahat. Nandiyan naman sila Jean, tutulongan nila ako." Umiling ako sa sinabi ni Mae at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ilang araw rin kasi akong nilagnat kaya ilang araw niyang sinalo pati ang ibang gagawin ko. Maayos na rin naman ang pakiramdam ko kaya naisipan ko nang bumalik sa pagtatrabaho.
"Maayos na ang pakiramdam ko, Mae. Hayaan mo na akong magtrabaho," pagsagot ko dito. Hindi naman na ito kumontra pa at nakita kong bumuntong hininga nalang.
Tahimik lang kaming pareho na ipinagpatuloy ang ginagawa namin hanggang sa mag alarm ang cellphone ni Mae. Matapos niyang e-off ang alam ay inayos niya na ang mga gamit niya. Kahit ako ay gano'n na rin ang ginawa.
"Hintayin mo nalang ako dito. Magc-cr muna ako," paalam ni Mae at nagtungo na sa Cr. Hindi naman ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pag aayos ng gamit.
Walang dalang sasakyan si Mae dahil ipinaayos niya kaya balak niyang makisabay sa akin papunta sa meeting place namin nila Cayla. Yes, may mga kailangan kasi kaming pag usapan kaya kailangan ulit naming magkita.
Napabuntong hininga nalang ako at inalis muna sa isipan na pwede ko na namang makita si Freen. Ilang linggo nalang ay kasal na nila at kaunti nalang din ang inaayos namin.
Katulad ng sinabi ni Mae ay iniwasan ko na si Freen. Mukang wala rin naman para sa kaniya ang ginagawa ko dahil abala naman siya palagi sa fiance niya. Naguilt na rin kasi ako para kay Cayla lalo pa't habang tumatagal ay parang nagiging kaibigan na rin siya namin. Masyado kasi siyang mabait at madaling makagaanan ng loob.
"Tara na?" Tumango ako kay Mae at kinuha na ang bag ko. Sabay na kaming lumabas at nagtungo sa parking. Kotse ko ang gamit namin, I bought this after a year of working.
"Sigurado ka ba talaga na sasama ka? Pwede namang ako nalang ang pumunta do'n." Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi ni Mae. Alam ko kung anong iniisip niya.
"Wala akong ibang gagawin. Trabaho lang 'to, promise," natatawa pang sambit ko na ikinatango niya. Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako umimik. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin ay pareho kaming tahimik.
Pagpasok namin ay natanaw na agad namin si Cayla ay Freen na parehong tahimik lang. Sumilay ang malaking ngiti sa mukha ni Cayla nang makita kami. Kumaway rin ito sa amin.
"Mukang napaghintay namin kayo," agad na sambit ni Mae bago nakipagbeso kay Cayla at Freen.
"Hindi naman. Nauna lang kami ng kaunti sa inyo," sagot ni Cayla at sa akin naman nakipagbeso. Nang si Freen na ang nasa harap ko ay bigla akong nagdalawang isip. Nakita kong sumenyas sa akin si Mae kaya nakipagbeso nalang rin ako dito. Mabilis lang iyon dahil agad rin akong lumayo sa kaniya at umupo.
"So, may naisip na ba kayo?" Mae asked. About 'yon sa ibang details na hindi pa napagdesisyonan ni Cayla last meeting nila dahil hindi siya makapili.
"Actually, we both decided na h'wag nang palitan ang wedding venue," sagot ni Cayla. Habang nagsasalita siya ay hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. No wonder kung bakit minahal siya ni Freen, bukod sa maganda na siya ay maganda rin pati ang kalooban niya.
"Wala na bang idadagdag sa guest list?" I asked, naalala ko kasing may sinabi siya kay Mae dati na baka idagdag niya.
"Basically, may mangilan-ilan akong idadagdag sa guest list, but is it okay kung e-email ko nalang kay Mae 'yong list of names?" Napatingin ako kay Mae dahil sa isinagot ni Cayla. Agad rin namang sumang ayon si Mae.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...