MMP-50

12.5K 347 55
                                    

SERENITY's P.O.V

"What the hell, Arya?! Bakit mo ginawa-tangina! Bakit mo ginawa 'yon? Alam mong nandon si Cayla, paano kung siya ang nakarinig sa mga usapan niyo? Nag iisip ka ba?!" Hindi ako nakasagot nang sigawan ako ni Mae. Tumingin ako kay Shagie na nasa likod nito pero nag iwas lang siya ng tingin sa akin. Alam kong pareho silang hindi sang ayon sa ginawa ko.

"H-hindi ko naman s-sinasadya. I-i was drunk," mahinang sagot ko. Narinig ko namang napamura si Mae dahil do'n.

"You're drunk?! For Pete's sake! Kahit naman siguro lasing ka ay makakapag isip ka pa naman, diba? Paano kung nakita kayo ni Cayla? Ano nalang sa tingin mo ang mangyayari? Matalino ka, Arya! Mag isip ka!" Hindi ako nakasagot at hinayaan ang mga luha kong mag unahan sa pagtulo. Alam kong mali ang ginawa ko, I shouldn't have done what I did. Pero kasi hindi ko napigilan.

"Kung alam ko lang ang tungkol sa past niyo hindi na sana tayo umabot sa ganito, hindi na lang sana natin tinanggap 'to," problemadong sambit ni Mae. Hindi ko magawang salubongin ang tingin niya dahil nahihiya ako sa ginawa ko.

"H-hindi-"

"May fiance na siya, Arya! Ikakasal na siya, alam mo 'yan!" Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan si Mae na sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Goodness! She's getting married, Arya. Magagawa mo ba talagang sumira ng relasyon?!" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi kong gustong kumawala.

"H-hindi ko naman g-gustong sirain-"

"Pero iyon na ang ginagawa mo! Hayaan...hayaan mo nalang sila, Arya."

Napapikit ako habang umiiyak sa harap ni Mae. Hindi ko magawang kontrahin ang sinasabi niya o kahit ipagtanggol ang sarili ko dahil tama naman siya. Hindi ko na dapat ginawa 'yon.

Cayla invited us to her party. It's her birthday at ininvite niya kami ni Mae. Of course, fiance niya si Freen kaya hindi pwedeng mawala ito sa event na 'yon.

Sinubukan ko namang iwasan si Freen at si Cayla buong party kaso masyadong mahirap gawin 'yon. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag inom para hindi ko sila mapansin kaso wrong move ata yon. Mababa lang ang alcohol tolerance ko kaya mabilis akong nalasing.

Sinubukan kong umuwi nalang no'ng lasing na ako kaso hindi ako pinayagan ni Cayla na umuwi ng mag isa. Delikado raw kung magdadrive pa ako ng lasing. Hinayaan ako nitong matulog sa isang kwarto sa bahay nila.

Cayla didn't know about my past with Freen kaya nakiusap siya kay Freen na ihatid ako sa kwarto dahil hindi ako makalakad ng maayos.

"Cayla is a nice person, Arya. Sa maiksing panahon na nakilala natin siya ay kahit ikaw masasabi na mabait siya. I think she deserves to have a peaceful relationship with Freen. Hayaan mo na sila."

Mae is right. Cayla is a good person.

Muling lumakas ang iyak ko nang maalala kung paano ko sinubukang mag makaawa kay Freen na bumalik siya sa akin ng gabing 'yon. Hindi ko rin maalis sa isip ko kung paano siya umiyak sa harap ko saying how much I hurt her before.

"You still want me, right?" I said trying to reach her hands. Patuloy naman siya sa paglayo sa akin.

"You still want me, Freen. You still do. No, you always do!" I almost yelled. For the second time, I tried to show Freen my naked body pero mabilis niya akong pinigilan.

"Stop this nonsense, Arya." Mariin at puno ng lamig na sabi nito. She's now holding my arms para pigilan ako sa paglapit pa sa kaniya.

"I know you still want me! W-why?"

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon