MMP-23

15.3K 464 75
                                    

SERENITY's POV

"Ihahatid na nga kita." Hindi ko s'ya nilingon at inayos lang ang suot kong damit na pag aari n'ya.

"Kaya ko nang umuwing mag isa." Hindi ko nakita ang reaksyon n'ya pero alam kong masama na naman ang timpla ng mukha nito.

"Ihahatid na nga kase kita," pangungulit nito sa'kin kaya nilingon ko na ito. Seryoso ang tingin ko sa kan'ya bago nagsalita.

"Isa." Hindi na ito sumagot at sumimangot lang habang nakatingin sa'kin. "Kaya ko namang umuwi. T'yaka may kailangan kang gawin kaya iyon na muna ang gawin mo."

"Fine. Text me when you're home," nakasimangot pa rin na sagot nito. Ngumiti ako sa kan'ya hinaplos ang pisnge n'ya.

"Itetext kita pag nakauwi na ako." Niyakap ko ito at niyakap naman ako nito pabalik.

"Ayaw mo talagang ihatid kita?" Hirit pa nito na ikinatawa ko.

"Hindi na," natatawang sagot ko sa kan'ya. Kumalas na ako sa kan'ya ng yakap at kinuha na ang mga gamit ko. "Mauna na ako. Itetext nalang kita kapag nasa bahay na ako."

Busangot pa rin ang mukha n'ya nang umalis ako pero hindi naman na ito nangulit pa. Pagpasok ko sa elevator ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

From: Prof. Sungit
         607.

Nanaman? Akala ko pa naman ayos na ang cellphone n'ya. Ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ko.

Hindi pa man ako nakakalabas ng elevator ay naramdaman ko nang nagvibrate ulit ang phone ko. Kinuha ko ito at nakitang may mensahe ulit galing kay Prof. Sungit.

From: Prof. Sungit
         I miss you

Malaki ang ngiti ko nang lumabas ako ng elevator dahil sa text message na natanggap ko. Hindi pa nga ata naglilimang minuto simula nang mahiwalay kami ay miss n'ya na agad ako.

I'm not yet done typing para sa reply ko ay nakatanggap naman ako ng voice message mula sa kan'ya. Plinay ko yon at mas lalong ngumiti nang marinig kung ano ang laman non.

When will I see you again🎶

Recording yon ng music sa phone n'ya. Hindi ko maiwasang matawa dahil talagang pumasok pa sa isip n'ya ang ganung bagay.

Nang makauwi ako ay agad akong nagtext sa kan'ya na nakauwi na ako. Nagreply naman ito at ayon sa kan'ya ay nandon na s'ya sa kompanya n'ya.


Mabilis na lumipas ang mga araw at birthday na ngayon ni Elle. Naalala ko na hindi pa pala ako nakakabili ng regalo para sa kan'ya kaya naisipan ko munang lumabas at maghanap ng pwedeng iregalo sa kan'ya.

Wala akong malaking budget para sa kan'ya kaya simpleng t-shirt lang ang nakayanan kong bilhin. Hindi naman mapili iyong si Elle kaya sigurado akong magugustohan n'ya pa rin ito.

Nasa tapat palang ako ng bahay ay rinig ko na ang tawa ni Mama galing sa loob. Sino naman kaya ang kausap n'ya?

Pagpasok ko ay tumambad sa'kin si mama na tawang tawa habang kaharap si Prof. Sungit na tumatawa din. Natulala pa ako saglit dahil medyo unrealistic ang mga nakikita ko. Si Prof. tumatawa ng malakas kasama si Mama. Sabay naman silang humarap sa'kin ng mapansin nila ako.

"Andyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay nitong si Freen," sabi ni mama nang makita ako. Freen? Close na sila? Parang nung nakaraan lang ang pormal pa ng tawag n'ya kay Prof. "Oh s'ya, mauna na ako sa inyo dahil magbabantay pa ako ng pwesto sa palengke. Nandito na rin naman si Arya. Maiwan ko na kayo dito, Freen." Tumayo na si mama at lumapit sa'kin. "Ikaw na ang bahala sa professor mo. Si Saffary nauna na don sa bahay nila Elle. Aalis na ako."

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon