MMP-8

18.3K 576 41
                                    

SERENITY's POV



"Sasabay ka ba sa'ming maglunch?" Tanong sa'kin ni Shagie nang ayosin ko na ang mga gamit ko. Tapos na kase namin ang activity kaya babalik na ako sa office ni Prof. Sungit dahil baka mabadtrip na naman sa'kin yon.

"Hindi ko alam pero susubukan kong sumunod agad sa cafeteria," sagot ko naman dito.

"Kami nalang ang magdadala nito," sabi naman ni Jenna at binitbit na ang ginawa namin.

"Sige, mauna na ako sa inyo," sagot ko naman at umalis na.

Hindi ko alam kung bakit ako pinapabalik don ng masungit na professor na yon pero sumunod pa rin ako dahil baka pag initan n'ya pa ako.

Pagdating ko nga ron ay kumatok muna ako pero mukang wala s'ya sa loob. Tiningnan ko kung nakalock ang pinto pero hindi naman kaya pumasok na ako.

Wala nga talaga s'ya dito. Baka may klase pa. Naupo nalang ako sa couch na nasa gilid para hintayin s'ya. Malapit na ang lunch time kaya maya maya ay nandito na 'yon.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naghintay sa kan'ya. Hindi ko nga rin namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan nalang ako ng maramdaman kong may humawi sa buhok ko na nasa mukha ko. Marahan akong nagdilat ng mata at doon ko naaninag ang magandang mukha ng professor ko.

"P-prof," mabilis akong umayos ng upo ng marealize ko na si Prof. Sungit pala iyon. Umayos naman ito ng tayo at deretsong tumitig sa'kin.

"You sleep a lot," aniya pagkatapos ay naglakad papunta sa table n'ya.

"S-sorry po, nakatulog pala ako kakahintay," sabi ko at sumunod sa kan'ya. Inayos ko muna ang buhok dahil baka mukha na akong mangkukulam. Naupo ito sa swivel chair n'ya kaya naupo din ako sa upoan sa harap ng table n'ya.

"Naglunch ka na ba?" Tanong nito sa'kin kaya umiling ako bilang sagot.

"Hindi pa po."

Hindi ito sumagot at kinuha ang paper bag na nasa ibabaw ng table n'ya. Binuksan ito nito pagkatapos ay inilabas ang mga pagkain na nasa food plastic container.

"Kumain ka muna," anito at inabot sa'kin ang kutsara at tinidor. May pag aalinlangan ko namang tinanggap ang mga iyon.

"P-pwede naman pong sa cafeteria nalang ako k-kumain," nahihiyang turan ko pero saglit lang ako nitong sinulyapan pagkatapos ay binuksan na ang lalagyan ng pagkain.

"No, have lunch with me." Hindi naman na ako sumagot pa at tinanggap nalang ang pagkain.

Pasimple ko itong sinusulyapan habang nasa pagkain lang ang atensyon n'ya. Hindi ko maiwasang mailang sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil kumakain ako ngayon kasama ang professor ko na masungit.

"Hindi ka mabubusog kung susulyapan mo lang ako."

Mabilis kong nilipat sa pagkain ang paningin ko. Pinilit ko ang sarili ko na h'wag s'yang sulyapan habang kumakain.

"You look like a child when you eat," biglang sabi nito kaya nag angat ako sa kan'ya ng tingin. Nakita kong tapos na pala s'yang kumain at pinapanuod n'ya nalang ako.

"S-sorry," nahihiyang sabi ko at inayos ang pagkain.  Umayos din ako ng upo pagkatapos ay dinahan dahan ang pagnguya ng pagkain katulad ng nakita kong ginagawa n'ya kanina.

Parang bigla namang bumagal ang ikot ng mundo ng mapansin kong ngumiti ito sa ginawa ko. T-teka? Ngumiti s'ya? Ngumiti talaga s'ya!

"Ang ganda mo, Prof." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong nasambit ang mga salitang 'yon.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon