SERENITY's POV
Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko habang iniisip kung bakit hindi ko man lang nagawang pigilan ang sarili ko kanina. Napapikit ako ng mariin ng maalala kung paanu ko s'ya hinayaang paligayahin ako. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya tuwing naiisip ko na hinayaan ko s'yang makita ang buong katawan ko, pati na ang parte na dapat ay ang mapapangasawa ko lang ang makakakita. Ginawa pa namin ang mga bagay na dapat ay mag asawa lang ang gumagawa. At ang mas nakakahiya ay hinayaan ko s'yang gawin iyon ng dalawang beses sa'kin. Alam kong may hindi tama sa ginawa namin pero bakit hindi man lang ako makaramdam ng pagsisisi.
Natigilan ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon ng hindi bumabangon sa higaan ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ang pangalan ni Prof. Sungit sa screen ng cellphone ko.
From: Prof. Sungit
6302Napakunot ang noo ko dahil sa mensahe nito sa'kin. Ano naman to? Pinagtitripan ba ako nito?
Sinubukan kong magreply sa kan'ya pero wala akong maisip na sabihin. Hindi ko pa rin naiintindihan ang mensahe nito. Anong 6302? Zip code? Pin code? Password?
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago itinabi ang cellphone ko. Wala akong panahon para isipin kung para saan ang number na yon. Medyo masakit ang katawan ko at para akong lalagnatin. Siguro ay dahil medyo naambunan kami kanina pag uwi.
Hindi ko nalang inisip ang mensahe n'ya sa'kin dahil baka nawrong send lang s'ya. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at kalaunan ay nakatulog din.
Nagising ako ng madaling araw dahil pakiramdam ko ay sobrang lamig. Binalot ko ang buong katawan ko ng kumot pero nilalamig pa din ako. Pakiramdam ko tumatagos lang sa kumot ang lamig.
Naramdaman kong mainit ang katawan ko kahit sobrang nilalamig ako. Dapat pala ay uminom na ako ng gamot kanina para hindi na ako nilagnat. May pasok pa naman ako mamaya. Mukang mapapaabsent pa ata ako.
Pagsapit ng umaga ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Pinayuhan ako ni mama na magpahinga nalang dito sa bahay ay h'wag nang pumasok.
Wala akong ibang ginawa dito sa bahay kundi ang magpahinga. Kakain at matutulog saglit. Pagsapit ng hapon ay inabotan ako ng pagkabagot kaya naisipan kong maglinis ng bahay kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko.
Nang matapos akong maglinis ay nagpahinga ulit ako dahil parang nahilo ako masyado dahil sa ginawa ko. Pagsapit naman ng hapon ay maagang umuwi si mama dahil s'ya na daw ang magluluto ng pagkain namin.
"Pumasok ka na lang muna sa kwarto mo at magpahinga." Iyon ang sinabi ni mama bago s'ya pumunta sa kusina.
Pagdating ko sa kwarto ko ay naabotan kong bukas ang screen ng phone ko. May mensahe ulit galing sa professor ko.
From: Prof. Sungit
607Aba't —ano na naman to? Masakit na nga ang ulo ko mas pasasakitin n'ya pa dahil sa mga number na sinisend n'ya sa'kin. Ang lakas namang mangtrip nitong professor na to.
Hindi ko nalang pinansin ang text nito at nagpahinga nalang.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako hanggang sa maramdaman ko nalang na may marahang humahaplos sa buhok ko. Marahan kong dinilat ang mga mata ko at ang magandang mukha ng professor kong masungit ang bumungad sa'kin.
"P-prof., a-ano pong g-ginagawa n'yo dito?" Sinubukan kong maupo sa higaan ko at inalalayan naman ako nito.
"I heard that you're sick," sagot nito sa'kin. "How do you feel right now? May masakit pa ba sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...