MMP-43

10.5K 295 49
                                    

SERENITY's P.O.V

Bawat hakbang ko palayo sa kaniya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Alam kong nakatanaw siya sa akin kaya hindi ako pwedeng manghina, kailangan kong magpatuloy, kailangan kong makalayo.

Nang tuluyan kong malisan ang apartment ni Freen ay sunod sunod na bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko. Pinakawalan ko na rin ang mga hikbing kanina ko pa pilit na pinipigilan.

This is not I what I wanted. This is not the ending that I dreamt for the both of us. I planned for something better, I dreamt something happier than this. Pero heto ako ngayon, umiiyak habang naglalakad palayo sa kaniya.

Sobrang sakit isipin na kailangan kong taposin ang isang bagay na never kong pinangarap na bitawan. Freen is one of the person that I treasured the most. Isa siya sa mga rason kung bakit pinipili kong magpatuloy sa buhay sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko. It's funny how I asked her na 'wag akong iwan pagkatapos ako rin pala ang gagawa no'n.

I love Freen so much and that's the reason why I'm doing this. I love her so much that I can't be selfish just to make myself happy. Ayokong hayaan siya na manatili sa tabi ko knowing that she lost everything she worked for dahil sa akin. I want her to have her life back, to have everything she had back, even if it means losing me on the trail.

Nang makalayo na ako ay natanaw ko si Elle at Shagie na naghihintay sa akin. I told them about my plan na makipaghiwalay kay Freen kanina. Af first, they're against my decision, but along our conversation ay hinayaan na lang din nila ako. Thankful nalang ako na sinamahan nila ako hanggang dito.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila ay patakbo akong sinalubong ni Elle at mahigpit na niyakap. Doon ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko na halos ayaw nang tumigil.

"A-ang sakit, Elle. A-ang s-sakit sakit."

Hinagod ni Elle ang likod ko habang yakap pa rin ako. Pilit nito akong kinakalma mula sa labis na pag iyak.

Naramdaman ko na rin ang pagyakap sa akin ni Shagie kahit na wala itong sinasabi.

"Magiging maayos din ang lahat, Arya. Magiging maayos ka rin." Hindi ko magawang sumagot kay Elle dahil sa mga hikbi ko.

"Isipin mo nalang na ngayon lang 'to masakit, bukas...masakit pa rin naman pero h'wag mo na munang isipin 'yon kasi bukas pa naman 'yon."

Kung hindi lang seryoso itong nararamdaman ko ngayon ay baka nasapak ko na 'tong si Shagie. Mas mabuti pa sigurong manahimik nalang siya.

"Nandito lang kami, Arya. Isipin mo na lang ginawa mo 'to para kay Miss Salvatore, ginawa mo 'to dahil mahal mo siya."

Tanging pagtango lang ang nagawa ko dahil sa patuloy na pag iyak. Ang sakit isipin na ang relasyong pilit na iniingatan ko ay tapos na.

Siguro hindi talaga ako ang para kay Freen. Perhaps, she deserves someone better than me. Someone na hindi niya kailangang igive up ang kung anong mayroon siya para lang sa taong 'yon.

Nang maihatid ako nila Elle sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto para doon na naman umiyak. Habang mag isang nakaupo sa sahig at yakap yakap ang tuhod ko ay bumalik sa isip ko ang mukha ni Freen kanina. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa mga sinabi ko. Habang nakikita ko siyang nasasaktan kanina ay parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga salitang binitawan ko.

Ngunit tuwing makikita't maaalala ko naman ang kasalukoyang sitwasyon niya ay bumabalik ang kagustohan kong palayain siya. Ayokong mahirapan si Freen dahil sa akin. Mas masakit para sa akin na makita siya na nahihirapan.

Habang umiiyak ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay mas lalong lumakas ang iyak ko nang mabasa ang pangalan ni Freen as caller.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko. Gusto kong sagotin ang tawag at sabihin kay Freen na mahal ko siya, na hindi totoo ang lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi pwede...

Mariin akong pumikit at pinilit ang sarili na e-decline ang tawag ni Freen pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay tinatraydor ng nararamdaman ko ang sarili kong desisyon.

Nang maramdaman kong gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko kay Freen ay malakas kong tinapon ang cellphone ko dahilan para mabasag ito at mamatay ang tawag. Muli akong yumakap sa mga tuhod ko at umiiyak na pinagmasdan ang cellphone kong sira-sira na.

Kinabukasan ay nagising akong mugto ang mga mata. Nararamdaman ko rin ang bahagyang paghapdi nito.

Walang gana akong bumangon at lumabas ng kwarto. Maghihilamos palang sana ako nang marinig ko ang boses ni Elle sa labas ng bahay.

"Bakit, Elle?" Bungad na tanong ko dito nang buksan ko ang pinto.

Hindi ito sumagot sa akin at napatulala lang sa mukha ko. Hinintay ko itong magsalita pero nasa mukha ko lang ang atensyon niya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Buong magdamag ka bang umiyak?" Hindi ako sumagot sa tanong nito at tinalikuran siya. Iniwan kong bukas ang pinto para makapasok siya.

Naglakad ako papasok ng kusina para do'n maghilamos. Rinig ko naman ang mga yabag ng paa ni Elle pasunod sa akin.

"Nagluto si Mama ng agahan kaya dinalhan na kita. Sa itsura mo ngayon sigurado akong hindi ka pa kumakain," rinig kong sabi nito sa likod ko. Hindi naman ako sumagot at hinayaan lang ito.

Rinig ko ang mahinang kalansing ng plato at kutsara kaya alam kong sinasalin niya na sa mas maayos na lagayan ang dala niyang pagkain.

"Nasa hospital pa ba sila Tita?" Rinig kong tanong nito kaya tumango lang ako bilang sagot.

Nang matapos akong maghilamos ay lumapit ako sa mesa kung nasaan nakatayo malapit si Elle.

"Kailan daw ang labas ni Tito?" Tanong pa nito bago ako maupo.

"Kapag pwede na raw lumabas."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Elle pero hindi naman na ito nagsalita pa. Naupo lang ito sa tabi ko at pinanuod akong kumain.

Ilang oras ring nanatili si Elle sa bahay para samahan ako. Kahit hindi ko siya masyadong kinikibo ay hindi siya umalis. Minsan pinipilit niyang magsimula ng masiglang usapan para libangin ako. I feel bad para kay Elle kasi alam kong she's trying hard para pagaanin ang nararamdaman ko. Pero hindi naman kasi gano'n kadali 'yon. Hindi ko rin kayang pilitin ang sarili ko na maging okay.

Nang kinailangan nang umalis ni Elle ay hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak. Napaupo nalang ako sa gilid ng bahay namin habang iniisip ang mga sinabi ko kay Freen kagabi.

Alam kong maaaring magalit siya sa akin dahil do'n, iyon naman kasi talaga ang plano ko. Gusto kong magalit siya sa akin para mas madali sa aming dalawa ang paghihiwalay na to. Pag nagalit siya sa akin ay mas mabilis niya akong makakalimutan. Kaso wala pang isang araw ay pinagsisihan ko na ang lahat.

Iniisip ko palang na darating ang araw na makakalimutan na ni Freen ang nararamdaman niya sa akin ay dinudurog na ang puso ko. Iniisip ko palang na isang araw malalaman kong may iba na siyang mahal ay pakiramdam ko malalagotan na ako ng hininga.

Pero hindi ko rin kasi kayang maatim na mahirapan siya ng dahil sa pagmamahal niya sa akin. Sa lahat ng oras na nahihirapan ako ay nandiyan si Freen para tulungan ako. Sa lahat ng oras na malungkot at nasasaktan ako ay nandiyan si Freen para damayan ako. At ayokong paghihirap pa ang makuha ni Freen sa pananatili niya sa akin.

"As long as you want me on your side, I will never leave. I will stay whatever circumstances will try to break us apart. I will never leave until you ask me to."

Parang sirang plakang paulit ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi ni Freen sa akin. Ni minsan ay hindi siya nabigong patunayan sa akin kung gaano niya ako kamahal. Walang maikukwestyon sa pagmamahal na pinaramdam niya sa akin.

"As long as you want me on your side, I will never leave. I will stay whatever circumstances will try to break us apart. I will never leave until you ask me to."

Parang sinasaksak ang dibdib ko habang patuloy na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Freen.

"I will never leave until you ask me to."

Ako ang nagtaboy sa kaniya. Ako ang tumapos sa kung anong mayroon kami. Pero bakit ako rin ang binabalot ng takot ngayon na naiisip kong hindi na siya sa akin?

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon