MMP-46

11.8K 357 72
                                    

SERENITY's P.O.V

5 years later...

"Bilisan mo naman, Arya, baka mahuli tayo sa flight natin."

Katulad ng sinabi ni Shagie ay binilisan ko nga ang lakad ko. Sa tingin ko nga ay hindi na dapat lakad ang tawag dito, dapat takbo na.

"Mga lokong 'to! Mabuti naman at dumating na kayo, akala ko hindi na kayo sasama," nakapamewang na salubong sa amin ni Mae nang makarating kami sa loob ng airport.

"Ito kasing si Arya ang bagal kumilos tapos nagpasundo pa sa'kin. At t'yaka, excuse me? Hindi kami pwedeng hindi kasama 'no, anong peg mo do'n sa Palawan? Magsosolo ka?" Nakataas ang kilay na bwelta dito ni Shagie. Nitong nakaraan palagi na lang silang nagbabangayan.

"Bakit? Anong tingin mo sa'kin ha? Akala mo ba hindi ko kayang pumunta ng Palawan ng mag isa?" Nagtaas na rin ng kilay si Mae kay Shagie kaya napailing nalang ako sa kanila.

"Kaya mo, pero sigurado ako na pag pumunta ka do'n ng mag isa ay baka huling punta mo na rin ng Palawan 'yan. Sigurado akong hindi ka makakamove on ng mag isa, baka lunurin mo lang ang sarili mo do'n." Hindi nagpatalo sa sagotan nila si Shagie dahilan para panlisikan ito ng mga mata ni Mae. Pero itong si Shagie ay mukang walang pakialam at ayaw talagang magpatalo.

"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Palawan. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

Nang marinig namin ang announcement ay agad na kaming naghanda. Matagal na kasi naming planong tatlo na magpalawan pero hindi matuloy-tuloy. Kung hindi pa nagbreak si Mae at ang boyfriend niya ay sigurado akong plano pa rin Sana itong pagpalawan namin.

Since sa Palawan lang naman ang punta namin ay hindi naman naging masyadong matagal ang flight. Pagdating namin sa Palawan ay agad kaming sinundo ng service ng hotel sa resort kung saan kami tutuloy.

Pagdating namin do'n ay hindi na kami nagpahinga, nagbihis lang kami pagkatapos ay rumampa na sa dalampasigan. Maganda ang panahon, hindi masyadong malakas ang tirik ng araw kaya saktong sakto talaga pang beach vibes.

Nakasuot ako ng plain white two piece na pinatungan ko ng itim na see through. Si Mae naman ay nakasuot ng pink two piece which is more revealing than mine. Simple lang kasi iyong sa akin. Si Shagie naman ay nakasuot ng blue na two piece pagkatapos ay pinatungan ng maong shorts. Hinayaan lang nitong nakaunbutton ang shorts niya.

"Picturan niyo nga ako para may maipost naman ako sa IG ko." Binuksan ni Mae ang camera cellphone niya bago inabot kay Shagie. Ito naman ay tinitigan lang ang cellphone ni Mae na nakataas ang kilay.

"Magpipicture lang kailangan pang ipost?" Maya mayang masungit na tanong nito.

"Syempre, para naman makita ng mga followers ko at ng ex ko. Para makita niya kung anong sinayang niya," sagot naman ni Mae at umirap. Nakalahad pa din ang cellphone nito sa harap ni Shagie.

"For what? Para makakuha ng validation mula sa babaero mong ex na maganda ka at sexy ka? Para ano? Para gumapang siya pabalik sa'yo? Ayoko nga!" Sumama ang timpla ng mukha ni Mae dahil sa sinabi ni Shagie.

"Alam mo ang kj mo!" Singhal nito dito.

"Alam mo ang tanga mong pumili ng jojowain!" Singhal naman pabalik ni Shagie. Muli silang naglaban ng masamang tingin.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon