SERENITY's POV
Kanina pa ako nakaupo dito sa kama n'ya habang s'ya naman ay kanina pa may pinapanuod sa laptop n'ya. Hindi ko alam kung ano yon dahil paharap itong nakaupo sa'kin kaya nakatalikod sa'kin ang laptop. May suot rin itong earphones kaya hindi ko marinig.
Maya maya pa ay pinatay nito ang laptop bago masungit na tumingin sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko dito dahil kanina pa s'ya nakatingin pero hindi s'ya nagsasalita. Mukha rin s'yang bored na naiinis.
"It seems like you enjoy watching your boyfriend while dancing." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong tinutukoy n'ya.
"Huh?" I don't know bakit bigla n'yang nasabi yon.
"You smile a lot while watching him dancing."
"I'm not watching anything, Prof. Ikaw kaya Ang kanina pa nanunuod d'yan," sabi ko sa kan'ya na ikinairap n'ya. Ang sungit na naman talaga.
"I'm talking about your boyfriend. He danced earlier and you seem very happy while watching. You're even clapping your hands nonstop," pagsusungit pa nito sa'kin. Doon ko lang narealize kung alin ang tinutukoy nito.
"Magaling naman kase s'ya," kunwari'y labis na humahangang sabi ko. Tumingala pa ako at kunwari'y inaalala ang pagsayaw ni Ethan kanina. Alam ko kaseng mas maiinis s'ya.
At hindi nga ako nagkamali. "He's not even good!" Malakas at inis na sabi nito kasabay ng pagbato sa'kin ng unan na tumama sa ulo ko.
"Aray!" Daing ko ng tumama sa'kin ang bola. Tiningnan ko naman ang reaksyon nito at konte nalang uusok na ang ilong nito sa inis. "Totoo naman ah! Hangang hanga nga ako sa galaw n'ya. Nakakainlove talaga yung magagaling sumayaw," dagdag ko pa na mas ikinaasar n'ya.
"Are you blind? He's not that good. Matigas ang katawan n'ya, kailangan pang pakuloan. Walang pitik ang galaw n'ya. Wala ring emosyon ang mukha pag sumasayaw. Puro lang ngiti na akala mo'y gwapo pero hi--"
"Gwapo kaya si Ethan," putol ko sa sinasabi nito.
Binigyan naman ako nito ng nagbabantang tingin. Hindi s'ya nagsalita at mariin lang na tumingin sa'kin.
Ilang saglit pa ay tumayo ito bitbit ang cellphone n'ya. Lumapit ito sa medyo maliit na speaker na nasa ibabaw ng mini drawer n'ya at binuksan iyon.
Inaabangan ko lang ang gagawin nito habang nagpipigil ng tawa. Maya maya pa ay pinatay nito ang ilaw ng kwarto n'ya at tanging ang led lights nalang ang binuksan.
Biglang nawala ang tawang pinipigilan ko at napalitan ng kaba ng bigla itong magplay ng music. Shettt! Alam ko ang tugtog na yan!
♪ Hear the sound of your body drip, drip, drip
As I kiss both sets of lip, lip, lips (muah)
Hear the sound of your body drip, drip, drip
As I kiss both sets of lip, lip, lips ♪Hindi ko maiwasang mapalunok ng ilugay nito ang kaninang buhok n'ya na nakaipit. Ipinatong nito ang phone n'ya sa mini drawer bago lumapit at humarap sa'kin.
♪ I ain't afraid to drown, if that means I'm deep up in your ocean, yeah ♪
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko pero hindi s'ya nagsalita. Tumingin ito sa'kin at nagsimulang sumayaw ng marahan na parang nang aakit.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...