SERENITY's POV
"That's good to hear. Hindi kayo bagay."
Muntik na akong mabulunan ng sarili kong laway dahil sa biglang sinabi nito. At bakit n'ya naman nasabi yon?
"Paanu mo po ba masasabi kung bagay ang isang babae at lalaki, Prof.?" Natigilan ito sa pagnguya ng pagkain n'ya at bahagyang tumingin sa'kin.
"Hmm... When they look good together," sagot nito na parang pinag isipan n'ya pa saglit. Napaisip naman ako kung hindi ba kami magandang tingnan ni Ethan kapag magkasama.
"Kung ganun hindi kami magandang tingnan kapag magkasama?" Tanong ko sa kan'ya na medyo ikinaangat ng kabilang parte ng labi n'ya.
"That's kinda literal. But to answer your question... Yes." Deretso ang tingin n'ya sa'kin nang sabihin n'ya ang huling salitang iyon. Animo'y siguradong sigurado s'ya sa sinasabi n'ya. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi n'yang iyon pero nakakainsulto lang. Anong gusto n'yang iparating?
"Kung hindi kami bagay ni Ethan, sinong bagay sa'kin?"
Hindi ito kumibo sa tanong ko. Ibinalik lang nito ang atensyon sa pagkain sa harap n'ya at sumubo. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi talaga s'ya sumagot.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Prof." Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor n'ya bago humarap sa'kin, ngumunguya pa.
"Why are you asking me? You should find it out yourself. Malay mo nandyan lang sa tabi tabi."
Matapos kumain ng lunch si Prof. Sungit ay sabay na kaming lumabas nito ng opisina n'ya. Kaya pala tuwing hapon ay hindi ko s'ya nakikita dito dahil wala s'yang klase. Kapag hapon na ay nandon na s'ya sa kompanya n'ya.
Pagdating ko sa classroom ay agad akong tinanong ni Shagie kung anong nangyari sa pag uusap namin ni Prof. Salvatore. Sinabi ko nalang na pinagsabihan lang ako nito. Hindi ko na sinabi ang totoo dahil alam kong magtatanong s'ya.
"Oh my ghad! Kyahhh!" Napatakip ako ng tenga dahil sa biglaang pagtili ni Shagie. Pati ang ibang kaklase namin ay napapatingin na sa kan'ya.
"Shhhh! Hinaan mo naman ang boses mo," pagsaway naman dito ni Mae. Nandito kase kami ngayon sa classroom namin at hindi pa rin dumadating ang Professor namin. Nagkukwento si Mae tungkol sa boyfriend n'ya at ito namang si Shagie ay kanina pa kinikilig.
"Oh my talaga! So anong nangyari? Nagkiss kayo?" Mahina pero halatang kinikilig pa rin na tanong ni Shagie. Inusog ko ng konte ang upoan ko dahil masyado s'yang magalaw.
"Uh...oo," nahihiyang sagot naman ni Mae na namumula pa ang pisnge.
"Oh my kyahh-" Muling malakas na tili ni Shagie kaya sabay naming tinakpan ni Mae ang bibig nito. Masyadong mataas magreact ang babaeng to.
Nang medyo kalmado na s'ya ay tyaka lang namin inalis ang mga palad namin na nakatakip sa bibig n'ya. Malaki pa rin ang ngiti nito.
"Ano kaya ang pakiramdam nang ikiss?" Aniya na parang nag iimagine.
Bigla namang namula ang pisnge ko nang maalala ko ang ginawa namin ni Prof. Salvatore kagabi sa kwarto ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa naming dalawa yon. Alam kong lasing pa s'ya non pero hindi n'ya ba talaga naaalala yon? Kung umarte kase s'ya ay parang walang ganung nangyari. Iniiwasan ko nalang din tuloy na isipin.
Pero tuwing papasok naman yon sa isip ko ay parang nararamdaman ko pa rin ang naramdaman ko ng mga oras na yon. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang mga halik at haplos n'ya sa katawan ko. Ang lambot ng mga labi n'ya at ang maingat na paggalaw ng dila n'ya sa loob ng bibig ko. Ang mainit at nakakakiliting mga haplos n'ya sa katawan ko. Mararamdaman mo ang pagkasabik na may halong pag iingat. Hanggang ngayon ay masyado pang fresh sa isip ko ang lahat ng pakiramdam na yon na tuwing iisipin ko ay para akong binabalik sa oras na yon.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...