SERENITY's POV
Mabilis akong tumakbo palabas para sundan ang professor kong nagwalk out yata. Bigla nalang kase itong nawala ng muli akong lumingon sa kinatatayuan nito kanina.
Bumagal ang paglalakad ko nang makitang may kausap itong estudyante. Hindi agad ako lumapit hanggang sa makitang umalis na ang kausap nito.
Muli itong naglakad paalis kaya sumunod ako sa kan'ya. Mukang hindi naman ako nito nakita.
"Prof." Huminto ito sa paglalakad ng tawagin ko s'ya. Hinintay ko itong lumingon pero hindi ito gumalaw. "Uuwi ka na agad?" Tanong ko habang papalapit sa kan'ya. Huminto ako ilang hakbang ang layo sa kan'ya.
"Yeah," walang ganang sagot nito sa'kin.
"Pero ang aga pa. Inenjoy mo man lang ba ang party?" Narinig kong tumawa ito ng mahina bago sumagot sa'kin.
"How can I enjoy that fvckin' party?" Medyo nagulat ako ng parang galit ang boses n'ya. Pero kahit ganun ay kalmado ko pa rin itong kinausap.
"Gan'yan ba ang tamang pakikipag usap? Hindi ka man lang ba haharap sa'kin?"
Hindi s'ya nagsalita at dahan dahang humarap sa'kin. Bakas ang galit sa mukha n'ya at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matakot sa kan'ya ngayon. Imbis na matakot ay namalayan ko nalang na sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kan'ya.
"Why are you smiling?" Iritadong tanong nito sa'kin na mas lalong ikinalaki ng ngiti ko.
"Bakit ka galit?" Nakangiting tanong ko pa na mas lalong ikinasama ng mukha n'ya.
"Ano bang ginagawa mo dito? Go back inside. You're boyfriend must be waiting for you." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako sa kan'ya. Lalo pang nakunot ang mukha n'ya at sumama ang tingin sa'kin. Kulang nalang ay umusok ang ilong n'ya. "Stop laughing! You know what? You're irritating!" Hasik n'ya sa'kin at tumalikod na para iwan ako.
Tumatawa akong sumunod sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan s'ya sa paglalakad paalis.
"Sandali lang," sabi ko at pinigilan ang sarili na tumawa. Hindi pa din nawawala ang malaking ngiti sa mukha ko.
"What do you need?" Masungit na tanong n'ya habang nakaiwas ang tingin sa'kin. Ang cute n'ya naman palang magsungit minsan.
"Ikaw." Hindi s'ya sumagot sa'kin at nanatiling tahimik. Hindi n'ya pa rin ako tinitingnan. "Uuwi ka na ba talaga?"
"Obviously."
"Akala ko ba gusto mo pa akong maging date?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na ngumiti ulit. Marahan s'yang tumingin sa'kin pero hindi pa din nagsalita. "Ano? Ayaw mo?"
"G-gusto ko." Gusto kong matawa ulit dahil sa pagkautal n'ya pero baka mainis na naman s'ya at umuwi na talaga.
Mula dito ay rinig pa rin ang musikang nanggagaling sa loob. Tumugtog ang mabagal na tugtogin kaya napangiti ako sa naisip ko.
"Hindi mo ba ako isasayaw?"
Mukang nagulat s'ya sa sinabi ko pero agad ring nakabawi. Lumapit s'ya sa'kin at inilahad ang kamay n'ya sa harap ko na nakangiting kong tinanggap.
Ipinatong n'ya ang mga kamay ko sa balikat n'ya. Ipinulupot naman nito ang braso n'ya sa bewang ko at inilapit pa ako sa kan'ya. Halos magkadikit na ang mga katawan namin kaya ipinulupot ko na ang braso ko sa leeg n'ya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...