Ang susunod kong kwento ay para sa mga taong mahilig sa INSTANT. Instant coffee, instant noodles, instant money, instant jowa, etc.
***
Sa isang malayong nayon ng Jusawa, Japan, merong nakatirang lalaki na nagngangalang Batu Gansha. Ang lalaking ito ay napakatamad. Gusto niya laging instant ayaw niya ng nahihirapan, ayaw niyang pagpawisan, ayaw niyang magbanat ng buto. Lagi nalang umaasa sa instant.Isang araw napadaan siya sa isang farm. May nakita siyang puno ng mangga na hitik sa bunga, lalo siyang naglaway nang may makita siyang hinog. Inisip niyang nakawin nalang ito tutal wala namang bantay kaya dali-dali siyang umakyat sa puno. Ngunit sa di kalayuan wala siyang kaalam-alam na merong isang pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Si Mang Berting ang may ari ng mangga.
"Aha, ikaw pala ang nagnanakaw sa mangga ko ha, patay ka sakin ngayon, bata ka."
Patakbong sumugod si Mang Berting bitbit ang kanyang pamalo para hulihin si Batu. Subalit nakita agad siya nito kaya mabilis itong bumaba at tumakbo sa may kakahuyan para magtago.
"Lecheng matandang yun ayaw mamigay ng mangga, mabilaokan sana siya!" bulong ni Batu sa sarili.
Nang mawala ang matanda sa paningin niya, lumabas na siya sa pinagtataguan niya at naglakad-lakad sa kakahuyan. Sa kanyang paglalakad may napansin siyang alamid, may kapansanan ito at hindi nakakalad, ngunit masigla ito at parang hindi naman ito nahihirapan. Nagtaka si Batu kung paano nakaka survive ang Alamid, samantalang marami namang mabangis na hayop sa gubat para gawin siyang hapunan.
Di pa man niya nasasagot ang tanong niya, biglang sumulpot ang isang leon, may bitbit itong karne sa bibig niya, kumaripas naman ng takbo ang ibang hayop pati siya ay napatalon na rin sa taas ng puno. Napansin niya ang Alamid, hindi man lang ito natakot bagaman hindi ito makalakad.
Mula sa taas ng puno, nagulat si Batu sa nakita niya, binibigyan ng Leon ng karne ang Alamid. Ito pala ang nagpapakain sa kanya kaya kahit hindi siyang mang hunting ng pagkain mabubuhay pa rin siya.
"Ang galing talaga ni God. Lagi Siyang may plano sa bawat nilalang Niya, at alam kong may plano rin Siya para sakin." aniya sa sarili niya.
Pagkalabas niya sa kakahuyan, pumunta agad siya sa bayan at umupo sa tabi ng daanan ng tao. Hinintay niyang may mag abot sa kanya ng pagkain tulad ng Leon. Ngunit lumipas ang ilang oras ay wala pa ring nag aabot sa kanya, hanggang inabutan siya ng dalawang araw sa kakahintay. Dito ay hindi na niya nakayanan ang gutom.
Sakto namang may napadaang isang pastor sa kinatatayuan niya, nakita siya nito na nanghihina na sa gutom.
"Boy, ayos kalang ba? Kumain kana ba, parang namumutla ka?"
"Hindi pa nga po, eh." tugon naman ni Batu. Dahil likas na matulungin ang pastor, binilhan siya nito ng makakain at maiinom.
Nang manumbalik ang lakas niya, agad niyang ikwento sa pastor ang nakita niya sa kakahuyan.
"Pastor, may nakita po akong Alamid sa gubat, may kapansanan ito at di nakakalad, pero nakaka survive po siya kasi po lagi siyang binibigyan ng Leon ng pagkain. Ginaya ko po iyon kaya po ako nandito sa tabi ng daan, naghihitay po ako ng taong magpapakain sakin. Kaya lang dalawang araw na po ako dito wala pong nagbibigay sakin, naisip ko hindi po yata ako mahal ng Diyos. Wala po yata Siyang plano sakin."
Nang marinig iyon ng pastor ay tinawanan lang siya nito at nag wika...
"Alam mo anak, may plano ang Diyos sa lahat ng nilikha Niya. Isa ka sa mga nilikha ng Diyos at sigurado akong may plano rin Siya para sayo. Marahil ay na-mis interpret mo lamang Siya at hindi mo naintindihan ang gusto Niyang mangyari. Gusto ng Diyos na maging katulad ka ng Leon, gusto ka Niyang maging kapaki-pakinabang, maging responsable, gusto Niyang ikaw ang magbibigay. Hindi yung ikaw ang nanghihingi. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin?"
"Noon di'y natuhan si Batu at nagsimula siyang magbago ng ugali.
-----
WAKASGINTONG ARAL:
Kung minsan nami-misinterpret natin ang kalooban ng Diyos. Binigyan Niya tayo ng karunungan, talento at lakas para magamit natin sa pang araw-araw na buhay pero hindi natin ginagamit ang ending umaasa nalang tayo sa ambag ng iba, hindi tayo nagbabanat ng buto para sa sarili natin. Para tayo yung Alamid sa kwento nakadepende lang sa Leon para mag survive. Pero at least siya may kapansanan, tayo kompleto tayo, hindi tayo disable para umaasa nalang sa iba.
Sorry po sa mga tinamaan, sana po ay magbago na tayo. Salamat po sa mga nagbasa. God bless.-MARWA ANGELA ENRIQUE

BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...