TULAY NA BAHAGHARI

160 2 0
                                        

I lovingly dedicate this story to Blackie, Spot, Polca, Dodo, Whitey, Xena, Buddy, Popoy and Supiya. They are all my beloved pets who have gone to the rainbow bridge.




***
Noong unang panahon, meron daw isang alamat na pinaniniwalaan ang mga tao lalong lalo na ang pet lovers. Sabi sa alamat na ito, kapag raw pumanaw ang ating mga alagang hayop, katulad ng aso, pusa, ibon, kambing, baka, kalabaw, at kung anu-ano pa, lahat sila didiretso agad sa isang lugar sa langit na kung tawagin ay "Rainbow Bridge". Dito tinitipon ng Diyos lahat ng mga alagang hayop na pumanaw na. Napakaganda raw ng lugar na ito at mayroon itong napakalawak na  parang at mga luntiang burol. Dito ay masaya silang naglalaro at nakikipaghabulan sa mga kapwa nila hayop. Sagana rin sila sa pagkain, inumin at maganda rin ang klima kaya naman napaka komportable ng buhay nila.  Dito ay wala silang mga iniindang sakit  bagkus bumabalik ang tunay nilang sigla. Lahat ng mga alagang hayop na dumanas ng kalupitan noong sila'y nabubuhay pa, pagdating sa langit mapayapa silang mamumuhay kasama ang Diyos, puro pagmamahal lang ang mararanasan nila.

Meron lamang silang  isang bagay na hindi makalimutan, yun ay ang isang taong nag alaga at nagmahal sa kanila nung nabubuhay pa sila sa lupa. Ang mga ito ay palagi raw nakatanaw sa dulo ng tulay na bahaghari, umaasang matatanaw at makikita nilang muli ang taong nakasama nila sa lupa.

At kapag daw pumanaw na tayong mga tao na nag alaga sa kanila, at tayo'y makarating sa langit, tayo raw ay tatawid sa tulay na bahaghari, Dito ay  buong pananabik tayong sasalubungin ng ating mga alagang namayapa na. Makikita natin silang masasaya, malulusog at masisigla katulad nung nabubuhay pa sila sating mundo. Dito ay habang buhay natin silang makakasama sa piling ng ating Poong Lumikha.
---




A/N:

Para sa'kin na isang pet lover, napaka sarap isipin kung ganito nga ang naghihintay sa atin sa kabilang buhay. Sana totoo nalang ang legend!  Pero ganun pa man, isipin nalang natin na lahat ng pumanaw nating mga alaga ay  nasa piling na ng Diyos at hinihintay nalang nila ang pagdating natin doon, katulad nang pag aabang  nila satin pag umuwi tayo ng bahay.
Maraming salamat po sa nagbasa, sana na-inspire kita.

MARWA

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon