TRIVIA:
Alam niyo po ba noong unang panahon, mas mabisa raw ang isang dasal kapag ito ay binibigkas sa salitang Latin?
___Hello readers,
Ang next story ko po ay isa sa mga kwento ng Lola ko na hinding-hindi ko malilimutan. Ito po ay ang kanyang kakaibang karanasan na talaga namang nagpatindig ng aking mga balahibo! Sobra akong namangha at hindi ako makapaniwalang may nangyayaring ganitong eksena sa totoong buhay.
Ganito po iyon...
***
Yung Lola ko kasi dati, noong maliit pa lamang ako ay sobrang relihiyoso! Siya ay madasalin, laging nagrorosaryo, halos lahat nalang ng Santo kanyang dinadasalan ng Novena. Bukod sa pagiging relihiyoso, siya ay napakabait, matulungin at mapagbigay. Saka hindi iyon nagpapahuli kapag mayroong mga parochial activities sa aming simbahan. Araw-araw siyang nagsisimba at volunteer worker din siya, lagi siyang kasa-kasama ni Father kapag nagpupunta ito sa ibang kalapit na bayan upang mag daos ng Banal na Misa!Isang araw, ginabi si Lola ng uwi. Biyernes Santo noon, galing siya sa isang Pilgrimage kasama sila Fr. Avi...
Siguro mga pasado alas dose na iyon ng hatinggabi. Nagmamadali si Lola sa kanyang paglakad at kaagad na siyang dumeretso sa paradahan ng Tricycle upang magpahatid.
"Anak, pwede mo ba akong ihatid sa Camire?" tanong niya sa isang driver na medyo nasa early 30's na.
"Naku, Nay! Pasensya na po! Madilim kasi papunta doon saka sobrang gabi na po!" sabi niya kay Lola.
"Kung dodoblehin ko ang pamasahe, papayag ka ba?"
Subalit tinanggihan pa rin si Lola nung driver.
"Nay, pasensya na talaga! Hindi ho talaga ako bibiyahe doon. Mabuti kung araw, papayag ako. Sa ibang tricycle nalang po kayo sumakay!" tanggi niya.
Kaagad naman niyang tinawag yung driver na kasunod niya sa pila.
"Tata Epi, isakay niyo nga 'tong si Nanay, sa Camire daw!"
Sumagot naman yung driver na medyo may edad na.
"Ate, saan po banda sa Camire? Sa looban po ba o bago dumating ng tulay?"
"Eh, sa looban pa kasi ako, eh! Sige na, pakihatid niyo naman ako, kailangan ko nang makauwi, walang kasama yung anak ko doon, bagong panganak pa man din siya! Nag-aalala ako sa kanya!"
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...