HAWLA

52 1 0
                                    

Magandang araw po sa lahat ng bumabasa saking Inspirational Stories... Mayroon po akong kwentong isi-share sa inyo, ito po ay sermon ng isang pari noong nagsimba po ako, sana po ay ma-inspire ko kayo.








***
Noong minsan pong nagsimba ako, na-amazed po ako sa homily ng pari. Magaling pong magsermon at kwela ang paring ito kaya naman kapag siya ang Mass Presider talagang all ears ang mga parishioner sa kanya. Kapag nagbigay siya ng sermon tiyak tatamaan ka talaga dahil sa galing niyang mag deliver ng homily.

Nang minsang nagdaos siya ng banal na misa, bago siya mag homily ay may pinatong siyang hawla ng ibon sa pulpito ng simbahan. May kalumaan na ang hawla,  kinakalawang na at yupi-yupi pa. Dahil dun, tumaas ang kilay ng mga parishioner, iniisip nila kung ano na namang gimik iyon ni Father. Yun pala gagawin niya itong props para sa homily niya.

Nagsimula nang mag homily ang pari habang hawak niya ang hawla at ganito ang sinabi niya.....


[Kahapon habang naglalakad ako sa may palengke, may nakita akong bata, bitbit 'tong maliit na hawla.

Sabi ko...

Boy, ano yan?"

"Ibon po, Father. Nahuli ko po sa sanga ng kahoy." sagot naman ng bata.

Nakita ko nga may apat na inakay ng ibon nagsisiksikan sa loob. Dahil sa liit ng hawla at yupi-yupi pa, nagpatong-patong na sila. Napansin ko giniginaw at nanginginig sa takot ang mga ito. Wala silang kaalam-alam kung saan sila dadalhin, kung anong sasapitin nila.

"Anong gagawin mo diyan sa mga ibon?" tanong ko ulit sa kanya.

"Wala po, paglalaruan ko lang. Tatanggalin ko mga balahibo nila at pag-sasabungin ko sila hanggang manghina sila. Pwede ko rin silang ihagis sa bubong pagnainis ako. Boring po kasi sa bahay, wala po akong magawa."

Bigla akong naiinis parang gusto ko nang sapakin yung bata, eh.

"Tapos? Pag nagsawa kana sa mga ibong ano naman gagawin mo sa kanila?" tanong ko ulit.

"Sus, walang problema diyan, Father, marami kaming pusa sa bahay, aniya. Gustong-gusto 'to ng mga pusa, pakain ko nalang sa kanila."

Naawa ako bigla sa kahinatnan ng mga ibon. Sa isip-isip ko,  mga nilikha din naman 'to ng Diyos, deserve din nilang mabuhay. Bakit kailangan natin kitilin ang buhay nila? Sabi ko sa sarili ko, bilhin ko nalang. Eh, di yun na nga, sabi ko sa bata...

"Magkano ba yan, bilhin ko nalang yan, kasama hawla?"

Sagot naman ng bata sakin...

"Huwag na, Father. Sayang lang pera niyo, wala namang kwenta 'tong mga 'to. Ordinaryong ibong lang po 'to. Hindi po 'to marunong magsalita, kahit nga sumipol, di nito alam, eh. Maiinis lang po kayo."

"Magkano nga?"

"Talaga po bang bibilhin niyo 'to, Father? Oo, sige isangdaan nalang po yan." sagot naman niya sabay abot sakin ng hawla.

Agad akong dumukot sa bulsa. Buti nalang 'di pa ako nakakapamalengke nun. Binigyan ko ng buong isangdaan. Pagkabigay ko umalis na agad yung bata.

Kaya habang namimili ako, bitbit ko yung mga ibon hanggang sa loob ng palengke, pinagtitinginan tuloy ako ng mga tindera, siguro sa isip-isip nila, "Ay, nababaliw na si Father!"

Nang umuwi ako galing palengke, dumaan muna ako sa may mga puno at madamong lugar. Binuksan ko ang hawla at pinakawalan ko ang mga ibon. Nakita ko kung gaano sila kasaya, lumipad sila sa bawat sanga ng kahoy nang malaya.

Mga minamahal kong kapatid kay Kristo, naparito ang anak ng Diyos upang tubusin tayo sa pagkakaalipin natin sa kasalanan. Dahil sa banal niyang dugo, tayo ay nakalaya sa hawla ng kamatayan...

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon