Hello Readers,
Ang susunod kong tampok na kwento dito sa Inspirational Stories ay tungkol sa tiwala. Sana po ay magustuhan niyo.
***
Sa gitna ng kagubatan, merong dalawang hukbo ng sundalo na nakatakdang maglaban. Mas angat ang unang hukbo dahil marami sila kumpara sa pangalawang hukbo, kunti nalang ang sundalo nila.Dumating ang heneral ng pangalawang hukbo, nagdeklara ito na aatake sila anumang oras at kampante itong mananalo sila. Dahil dito sinabihan niya agad ang kanyang tenyente na maghanda na sila. Subalit may agam-agam ang mga sundalo na matatalo sila dahil mas kaunti lang ang bilang nila kumpara sa kalaban.
Dumating ang takdang araw ng digmaan at nalaman ng heneral na merong agam-agam ang kaniyang mga sundalo. Kaya naman noong paalis na sila para makidigma, ipinag-utos ng heneral na dumaan muna sila sa Simbahan para magdasal.
Matapos nilang magdasal, tumayo ang heneral sa harapan ng kanyang mga sundalo at nag wika...
"Mga kapwa ko kasundaluhan makinig kayong lahat. Nakikita niyo ba ang baryang ito?" aniya sabay taas ng hawak niyang isang pirasong barya, "Dito natin malalaman ang ating kapalaran. Ihahagis ko 'to sa ere. Pag mukha ang lumabas, manalo tayo sa laban, pero kapag buntot, matatalo tayo."
At hinagis na nga ng heneral ang barya sa ere, paglapat nito sa lupa ay mukha ang lumabas.
Nag hiyawan ang mga sundalo sa tuwa at biglang nawala ang kanilang kaba at napalitan ito ng kompiyansa. Kampante silang mananalo sila sa laban. Kaya naman noong nasa gitna na sila ng labanan, mas ginalingan pa nila ang pag atake. Ginamit nila ang kanilang malupit na taktika na siyang nagpabagsak sa kalaban.
Nang matapos ang labanan, buong pagmamalaking nagwika ang tenyente...
"Nang dahil sa barya, tayo ay itinadhanang manalo sa digmaang ito, kailan man walang makapagbago kung ano ang itinakda."
Habang nagpapalakpakan ang lahat, nakangiting lumapit ang heneral sa tenyente at sekreto niyang pinakita na ang barya palang ginamit niya ay magkabilaan parehas mukha.
----
WAKASGINTONG ARAL:
Kapag may tiwala ka sa sarili mo at positibo ang pananaw mo sa buhay, isama na rin yung strong determination mo, lahat ng bagay ay walang imposible. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento. Vote, Comment and Share po.
God bless.-MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualitéFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...