UNOS

43 2 0
                                    

Hello Readers,

Ang next story ko po ay tungkol sa mag asawang inabutan ng unos sa gitna ng laot. Makakaligtas pa kaya sila?






***
Sina Ria at Lorenzo ay bagong kasal pa lamang at napagkasunduan nilang mag-asawa na umuwi ng probinsya para doon mag honeymoon. Nasa kabilang isla ang probinsya ni Lorenzo at kailangan nilang sumakay ng bangka para makapunta roon.

"Mahal, parang masama ang panahon, ang itim ng ulap, tingnan mo, oh! Parang nagbabadya ang malakas na ulan." nag-aalalang wika ni Ria habang palinga-linga siya.

"Wala yan. Ano ka ba mahal, normal lang yan. Ganun talaga tag-ulan ngayon, eh. Halika kana, sumakay kana sa bangka."

"Ano kaya kung wag na tayong tumuloy, sa ibang araw nalang tayo umuwi, natatakot ako, eh."

"Ayan kana naman, eh. Andito na tayo, oh! Ngayon pa ba tayo aaatras? Ilang oras nalang makakasama na natin sila Nanay. Kaya sige na, sumakay kana. Wag kang matakot, kasama mo ako, ako bahala, okey?" 

Masuyong niyakap ni Lorenzo ang asawa at pinawi niya ang takot nito.  Tutol man ay wala ng nagawa si Ria kundi ang sumakay nalang sa bangka.

Noong nasa kalagitnaan na sila ng laot, biglang umulan ng malakas. Maya-maya ay umihip ang malakas na hangin, palakas ito ng palakas, kaya naman lumaki rin ng lumaki ang mga alon na humahampas sa maliit nilang bangka.

Si Lorenzo ay napaka kalmadong tao, buo ang loob at malakas ang pananampalataya sa Diyos. Kabaliktaran naman ito sa asawa niya, na nerbiyosa at mabilis magpanic kapag nasa bingit ng panganib.

"Lorenzo, katapusan na natin,  huhuhu! Wala na tayong pag-asang makaligtas, huhuhh! Sinabi ko naman sayo wag na tayong tumuloy, eh. Kung nakinig kalang sana sakin, di sana tayo hahantong sa ganito." umiiyak na wika ni Ria habang binabayo sila ng malakas na hangin, pakiramdam niya ilang segundo nalang babaliktad na ang maliit nilang bangka dahil sa malakas na hampas ng alon.

"Huminahon ka, Ria. Pasasaan ba't malalampasan din natin to, magtiwala lang tayo sa Diyos."

Pilit naman pinakakalma ni Lorenzo ang asawa. Makikita mo sa kanya ang katatagan ng loob. Hindi mo man lang ito kinakitaan ng takot bagkos ay matapang itong tumayo sa bangka at itinaas ang kamay na para bang nananalangin. Pagkatapos ay umupo lang ito, tahimik na pinagmamasdan ang malalaking alon habang pilit nitong pinatataob ang sinasakyan nilang bangka.

"Lorenzo, ano ba? Hindi ka ba natatakot? Mamamatay na tayo, oh. Uupo kalang ba diyan, wala kabang gagawin?" galit na sigaw ng asawa niya, nanginginig na ito sa takot at halatang disperado na ito sa kanilang sitwasyon.

Hindi siya sinagot nito bagkos ay tumawa pa ito ng malakas. Bigla nitong kinuha ang patalim sa bag na siya namang nagpalito sa asawa niya.

Pagkua'y nilapitan niya ang babae at marahas niya itong niyakap sa likod sabay tutok ng kutsilyo nito sa leeg. Itinutok niya ito ng madiin, isang maling galaw lang tiyak na masusugatan ang babae.

"Ngayon, di ka ba natatakot sakin? Hindi ka ba natatakot na baka itusok ko tong patalim sa leeg mo?"

Ngunit hindi man lang nabahala ang asawa niya bagkus ay tumawa pa ito...

"Bakit ako matatakot? Alam ko namang di mo gagawin yan sakin, eh. Hangga't nasa kamay mo ang patalim na iyan, wala kong dapat ipangamba dahil naniniwala akong di mo 'ko sasaktan."

Dahan dahang binitawan ni Lorenzo ang asawa niya at binalik niya sa bag ang patalim.

"Yan din sagot ko sayo. Bakit ako matatakot sa bagyong ito? Mahal tayo ng Diyos, hawak niya ang unos, wala tayong dapat ikabahala. Ano man ang mangyari sa atin ngayon, naniniwala akong para iyon sa ikakabuti natin. Kung makakaligtas man tayo, eh 'di mabuti, ngunit kung hindi naman, mabuti pa rin. Ang mahalaga Diyos ang may kontrol ng lahat.

Natauhan si Ria sa mga sinabi ng asawa niya. Noon di'y naghawak-kamay sila at taimtim na nagdasal. Himala namang unti-unting humupa ang bagyo at nagsimulang umaliwalas ang panahon. Matagumpay silang  nakarating sa dalampasiganv at himalang nakaligtas.
---
WAKAS





GINTONG ARAL:

Kapag malakas ang pananalig mo sa Diyos, maging ang unos ay kaya mong patahimikin. 




-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon