BAKANTENG UPUAN

79 2 0
                                    

Readers,

Ang susunod ko pong kwento ngayong mahal na araw ng Huwebes Santo ay tungkol po sa "FAITH". Vote, Comment and Share, sana po magustuhan niyo...









***
Isang araw, naimbitahan ang isang pari sa bahay ng isang parishioner. Pinapunta siya upang bigyan ng huling sakramento (Annointing of the Sick)ang kaanak nilang may sakit.

Nang dumating ang paring ito, nakita niya ang isang bedridden na matandang lalaking nakahiga sa kama, tapos sa gilid niya ay may nakalagay na bakanteng upuan.  Inisip ng pari na nasabihan ito na darating siya kaya naglagay ito ng upuan sa gilid ng kama niya.

"Hello po, magandang araw po, Tay. Wow, mukhang alam niyo Pong dadating ako, ah." nakangiting sabi ng pari.

Napalingon sa kanya ang matanda.

"Hindi ko alam, sino ka ba?"

"Ako po si Father Ben, pinapunta po ako ng anak niyo para ipagdasal po kayo, Tay. Akala ko po nasabihan niya na po kayo, nakita ko kasi may nakalagay nang upuan diyan sa tabi niyo, eh."

"Ah, itong upuan?" sagot ng matanda sabay sulyap dito pagkatapos ay napatingin siya sa pinto. "Pwedeng pakisara muna ng pinto?"

Nalilito man, ay agad sinara ng pari ang pinto at hinarap niya na ang matanda.

"May sekreto kasi ako, Father. Hindi 'to alam ng anak ko, miski sino walang nakakaalam.  Hindi ako marunong magdasal, Father, pero naniniwala po ako sa Diyos. Dati nga nung nakakalakad pa ako, nagsisimba ako, pero 'di talaga pumapasok sa utak ko yung mga sinasabi ng pari. Hindi ko talaga alam kung paano magdasal. Hanggang isang araw tinuruan ako ng kaibigan ko."

Seryosong pinakinggan ng pari ang kwento ng matanda. "Tapos Tay, ano po sabi ng kaibigan niyo?"

"Dati pa yun Father,  apat na taon na po nakakaraan. Sabi ng kaibigan ko... 'Madali lang magdasal, Fred. Parang nakikipag-usap kalang kay Hesus. Ganito gawin mo, aniya, kumuha ka ng dalawang bakanteng upuan. Umupa ka, tapos yung isang bakanteng upuan, iharap mo sayo. Pumikit ka isipin mo si Hesus ang kaharap mo. Di ba nangako Siya na lagi natin Siyang kamasa kahit nasaan man tayo? Tapos ganun lang, aniya, magsalita ka, kausapin mo Siya kagaya kung paano tayo nag-uusap ngayon...'

Patuloy lang na nakinig ang pari sa kanya. "Tapos po?"

"Eh di yun na nga, ginawa ko yung turo ng kaibigan ko, naglagay ako ng bakanteng upuan at sinubukan kong magdasal sa unang pagkakataon, nagustuhan ko siya, Father. Sa katunayan nga po ginagawa ko siya araw-araw. Naglalaan ako ng ilang oras na kausapin Siya. Yan ang dahilan kung bakit may bakanteng upuan sa tabi ko. Pero di ko pinapaalam sa anak ko. Ayokong makita niya na nakikipag-usap ako sa upuan, baka isipin pa niya nababaliw na ako."

Na-inspire ang pari sa kwento ng matanda at hinikayat niya itong ituloy lang ang ginagawa niya dahil effective daw itong paraan para makapagdasal ng taimtim.

Nang maisagawa na nito ang banal na sakramento sa matanda ay kaagad na itong bumalik sa simbahan.
Makaraan ang dalawang araw, tumawag ang anak ng matanda at sinabi sa pari na namatay na ang Tatay niya nang hapon iyon.

"Paano ba siya namatay? Nasa tabi ka ba niya nung mamatay siya?" tanong ng pari at sumagot naman ito sa kabilang linya.

"Wala po, Father. Umalis po kasi ako para mag grocery, pero bago po ako umalis ng bahay, tinawag niya pa ako, niyakap niya ako ng mahigpit at sinabi niya na mahal na mahal niya raw ako. Kaso po pag uwi galing grocery, patay na po siya. Yung nakapagtataka lang po,  nakita kong nakahilig ang ulo niya sa bakanteng upuan sa gilid ng kama niya. Ano po ibig sabihin nun, Father?"

Nang marinig yun ng pari ay natahimik ito sa kabilang linya. "Sana ganun lahat ng tao kapag namamatay, mapayapa."  bulong niya pa sa sarili.
_____

WAKAS







GINTONG ARAL:

Sa panahong kasalukuyan, bihira nalang ang namamatay ng mapayapa. Yung iba, marahas ang pagkamatay, yung iba naman, matagal nakikipaglaban sa malubhang sakit, yung iba naman bigla lang kagaya ng aksidente. Kapag namatay ka na mapayapa, yung bang natulog kalang tapos namamalayan nalang nila di kana pala humihinga. Yun bang mamatay ka ng walang iniindang sakit ng katawan. Blessing yan galing sa Diyos.Yan ang sinasabing mapayapang pagkamatay.  Mapalad ka kapag ganito ka mamaalam sa mundo.

Sana palagi po tayong magdasal na gabayan tayo ng Diyos anumang oras at hilingin natin sa kanya na samahan Niya tayo hanggang sating huling sandali.
Thank you po sa pagbasa ng  kwentong 'to.  Have meaningful Maundy Thursday to all.

Guys, abangan niyo po, ang dalawang kwentong isi-share ko sa inyo bukas araw ng Biyernes Santo.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon