APOY SA ISLA

60 2 0
                                        

Hello po readers,

Ang next story ko po ay may kahawig sa CAST AWAY movie. Sana po ay magustuhan niyo at ma-inspire kayo?






***
Sa isang malayong karagatan ng Alexandria, merong naglalayag na pampasaherong barko. May lulan itong mahigit isanglibong pasahero.  Sa di inaasahang pagkakataon, naabutan ito ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan at sa kasawiang palad, nasawi lahat ng pasahero maliban sa isa.  Si Ali Bugho ay himalang nakaligtas sa malagim na trahedya. Tatlong araw din siyang nagpalutang-lutang sa dagat hanggang mapadpad siya sa isang malayong dalampasigan. Dahil na rin sa sobrang pagod at gutom ilang oras din siyang nawalan ng ulirat.

Nang magkamalay siya, nalaman niyang nasa ilang na isla pala siya. Walang katao-tao, walang bangka, walang mga bahay, wala man lang siyang mahingan ng tulong.  Pakiramdam niya parang siyang nasa CAst Away movie.

Kaya naman naisip ni Ali na magdasal sa Diyos at humingi ng tulong.

"Diyos ko, parang awa niyo na po, tulungan niyo po ako. Magpadala po agad kayo ng tulong."

Matiyaga siyang naghintay, umaasang may tulong na darating, subalit lumipas ang buong maghapon, wala dumating. Kinagabihan ay natulog siya sa dalampasigan, tiniis niya ang ginaw ng hangin at mga kagat ng mga insekto, naghintay ulit siya buong magdamag ngunit wala pa ring tulong na dumating.

Kinaumagahan, nagising siya sa ingay ng mga alon at  talsik ng tubig sa mukha niya,  ngunit wala pa ring tulong na dumating. Kaya nagdasal ulit siya.

"Diyos ko, sige na naman, oh. Magpadala na po kayo ng tulong, hirap na po ako sa kalagayan ko, wala po ako masilungan at makain dito." aniya.

Nang hindi pa rin dinggin ng Diyos ang panalangin niya, naiirita man ay nagpasya nalang siya gumawa ng munting masisilungan sa dalampasigan. Nangolekta siya ng mga sanga ng kahoy at mga tuyong dahon at gumawa siya ng maliit na dampa. Tapos nag umpisa na rin siyang manghuli ng isda para may makain siya.  Ilang Linggo na ring stranded si Ali sa isla at unti-unti na siyang nasasanay  sa pagiging cast away niya.

Isang araw naglalakad-lakad siya sa dalampasigan upang manghuli ng isda ngunit wala siyang nahuli kaya nagpasya siyang pumunta sa gubat para nanguha nalang ng mga bungangkahoy para sana sa hapunan niya.

Inabot siya ng takipsilim sa gubat subalit kaunti lang ang nahanap niyang prutas, kaya napagpasyahan niyang umuwi na at ipagpabukas nalang ang pamamasyal niya.

Nang pauwi na si Ali, agad niyang natanaw ang nasusunog niyang dampa. Galit na galit siya, kulang nalang ay magwala siya sa galit. Pinaghirapan niyang gawing ang kubo niyang iyon ngunit sa isang iglap lang ay nawala ito, paano na siya ngayon, saan siya matutulog? Dahil sa galit niya ay sinumpa niya ang Diyos.

Itinaas niya ang kamay niya at tumingala siya sa langit. "Diyos ko, ano ba talaga gusto Niyo? Ilang beses akong humingi ng tulong sa Inyo pero hindi Niyo ako pinakinggang. Gumawa ako ng dampa para may masisilungan, pero anong ginawa Niyo?" aniya. "Hinayaan Niyo lang masunog. Anong klase kayong Diyos? Hindi man lang kayo naawa sakin. Patayin Niyo nalang ako para matapos na!" umiiyak na sigaw ni Ali. Halata sa tinig niya na sobrang disappointed siya.

Magwala man siya ay wala na siyang magagawa, abo na ang munting kubo niya, walang choice kundi ang matulog sa dalampasigan at  lamunin ulit ng mga insekto.

Kinaumagahan, nagising si Ali sa malakas na ingay. Nagulat siyang merong barkong pangisda ang dumating sa kinaroroonan niya. Mapabalikwas siya bigla, tumayo siya at magtatalon sa tuwa. Sa wakas mare-rescue na siya, sa isip-isip niya.

Agad naman siyang kinuha ng mga crew at tinulungan siyang makasakay at binigyan pa siya ng atensyong medikal.

Noong naglalayag na ang barko sa gitna ng karagatan, pumunta si Ale sa deck at nangahas itong magtanong sa kapitan.

"Sir, papano niyo po nalaman na may taong stranded sa islang iyon. Napaka ilang na ng lugar na iyon, wala nang nagagawing barko doon."

Sumagot ang kapitan. " May natanaw kaming signal ng  apoy kagabi. Inisip ko baka may taong na-stranded, humihingi ng tulong, kaya pinuntahan namin."

"Pero, Sir, hindi po ako hindi nagsiga ng apoy para magsignal sa inyo." nalilitong sagot niya.

"Hindi ba? Saan galing yung apoy kung ganun?"

Saka lang napagtanto ni Ali na yung apoy ay galing sa nasunog niyang kubo. Nang dahil dun kaya siya na-rescue.

Nang mga oras na iyon ay napaluha siya at taimtim siyang nagsisi at humingi ng tawad sa Diyos dahil sa kanyang pagkakamali.
-----
WAKAS







GINTONG ARAL:

God's ways is not our ways. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi, lahat ng nangyayari sa mundo, lahat yun may dahilan. Kung ano man ang mga dahilang iyon, ang Diyos lang ang nakakaalam. Maaaring di pa natin maintindihan sa ngayon, pero darating ang araw na maiintindihan din natin at magpapasalamat pa tayo dahil nangyari iyon. Lagi nating tatandaan, lahat  na nangyayari sa buhay ng tao, masama man o hindi, lahat yun ay para sa ikabubuti natin.

Thank you for reading guys. God bless.

---MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon