Naranasan niyo na bang mapahiya? Yung tipong pinagtatawanan niyo ang isang tao dahil weird siya pero ang di niyo alam patama pala niya iyon sa inyo?
***
Noong unang panahon sa malayong bayan ng San Roque mayroong isang matandang lalaking bulag, nakatira ito sa kanyang munting kubo. Mag isa nalang ito sa buhay simula ng mabaon sa landslide ang buo niyang pamilya.
Ang bulag na ito ay palaging may dala-dalang lampara kapag lumalakad siya sa gabi. Pinagtatawanan tuloy siya ng mga kapitbahay niya, akala nila nababaliw na ito.
Isang gabi nakasalubong ng bulag na ito ang limang teenager sa daan...
"Tol, tingnan mo yung bulag, may dalang lampara, as if naman nakikita niya ang daan, hahahah.."
Sumagot naman ang isang barkada niya.
"Hayaan niyo na, nagpapatawa lang yang bulag na iyan, wag niyo na nga pansinin, wala lang magawa yan."
Naghagikhikan sila at ginawan nila ng katatawanan ang bulag, pero may isa sa kanila ang nangahas magtanong...
"Tay, bakit palagi po kayong may dala-dalang lampara sa gabi, eh hindi naman po kayo nakakakita, useless lang po ang lampara niyo?"
Sumagot naman ang matanda sa kanila...
"Hindi naman ito para sakin. Hindi ako nagdadala ng lampara para pang tanglaw sa dinadaanan ko. Para 'to sa inyo, nang sa ganun hindi niyo ako mabangga sa daan."
Hindi nakaimik ang mga batang teenager at tahimik silang umalis.
---
WAKAS
GINTONG ARAL:
Huwag po tayo kaagad maghuhusga sa panlabas na nakikita natin sa isang tao dahil wala po tayong idea kung ano ang pinagdadaanan niya. Malimit po tayong ganyan sa kapwa natin, tinitingnan lagi natin ang kapintasan ng isang tao ngunit hindi natin binibigyang pansin ang mga simpleng kabutihang nagagawa niya.
Tama po ba?
-MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
EspiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, mga kwentong tiyak pupukaw sa inyong mga damdamin. Mula sa p...
