PASYENTE SA TABI NG BINTANA

46 2 0
                                    

Hello Readers,

Ang next story ko po ay kwento ng Lolo ko noong nabubuhay pa siya, ito ay karanasan niya noong na-confined siya sa Ospital. Medyo nakakaiyak po yung kwento, pati nga ako naiyak din noong kwinento niya ito sakin nung buhay pa siya. Nag decide po akong itampok ito saking inspirational stories, dahil alam ko po na may makukuha kayonng aral at magagamit niyo sa pang araw-araw na buhay.








***
Simula nang pumanaw ang Lola Sefa ko, naging malungkutin na si Lolo Valentin. Unti-unti siyang nawalan ng sigla, pati ang kalusugan niya ay napabayaan na rin. Mahal na mahal ni Lolo si Lola Sefa kaya noong iwan siya nito dinibdib niya ng husto, dahil dun nagsulputan na ang mga karamdaman niya sa katawan.

Na-diagnose si lolo na mayroong sakit sa puso at kidney failure kaya naman in-advice ng mga doktor na kinakailangan siyang i-admit sa ospital para doon magamot.

Kwento ni Lolo sakin, noong dinala raw siya sa ward section, nalaman niya na may makakasama pala siyang lalaking pasyente doon, matanda na rin ito at halos kasing edad niya. Bale share raw sila sa isang ward. Nakakwentuhan niya raw ito at nalaman niya na Mauricio Placer ang pangalan niya. Sabi ni Lolo masayang kausap daw ito hindi mo mahahalata na may iniinda itong sakit. Napaka positive daw nito sa buhay, palakwento at di raw ito nauubusan ng topic.

Sabi ni Lolo, di naman daw masyadong maselan ang kalagayan ni Lolo Mauricio kasi tuwing hapon, pinapayagan daw ito ng doktor na makaupo sa kama niya, di katulad niya palagi lang daw siya nakahiga, nahihirapan daw siyang igalaw ang katawan niya noon.

Tuwing umaga pagkagising, lagi daw siya binabati nito...

"Good morning Val, gising kana pala, kamusta naman tulog mo?" nakangiting sabi daw sa kanya ni Lolo Mauricio.

"Wala eh, hindi naman ako nakatulog kagabi, sobrang sakit ng likod ko, Mau. Gusto ko sanang tumagilid, nahihirapan akong igalaw ang katawan ko." sagot naman daw ni Lolo.

"Naiinis na nga ako sa kalagayan ko, eh. Pagod na ako, Mau, parang gusto ko ng sumuko, pakiramdam ko hindi na ako magtatagal."

Sumagot daw si Lolo Mau at pinalakas nito ang loob niya.

"Ano ka ba, Val, wag ka ngang mawalan ng pag-asa. Di ba sabi ng kasabihan, habang buhay, may pag-asa. Pasasaan ba't malalampasan mo rin yan, May awa ang Diyos sa atin. Pagagalingin niya tayo."

Tuwing hapon kapag nakaupo na daw si Lolo Mauricio sa kama, lagi daw itong nakatingin sa bintana ng ospital at knikwentuhan raw siya lagi ng mga nagaganap sa labas... Si Lolo naman, nag-eenjoy sa pakikinig sa kanya kaya medyo nababawasan ang lungkot niya.

"Val, gawa na pala yung mini park dito sa likod ng ospital, tingnan mo, oh?"

"Talaga? May park na diyan? Di ba dati, talahiban lang yan?" sagot naman ni Lolo.

"Meron na ngayon, ang dami ngang mga namamasyal, eh. Tapos...wow, ganda ng bench nila at may sandalan pa! May play ground para sa mga bata. May mga puno, sariwang hangin, siguro ang sarap diyan tumambay. Kaya Val, pagaling ka agad ha, kasi mamasyal tayo diyan, pupuntahan natin yung park na yan." masiglang sabi ni Lolo Mauricio, halata raw sa mukha niya na sabik itong gumala kaya napa oo nalang si Lolo sa kanya.

Kwento ni Lolo, noong dini-describe daw ni Lolo Mauricio sa kanya yung mini park sa likod ng ospital, para daw siyang nabubuhayan, gustong-gusto raw niya tingnan sa labas kaso di naman daw siya makatayo, kaya ini-imagine nalang daw niya.

Tuwing hapon, laging ganun ang pinagkukuwentuhan nila, yung mini park, yung pagpasyal nila, nag set pa nga raw sila date and time kung kelan sila mamasyal, eh.

Kinaumagahan, ini-expect daw ni Lolo na may babati ulit sa kanya ng "good morning". Tinanaw niya daw si lolo Mauricio, tulog pa ito, inisip niya na napasarap ito ng tulog kaya hinayaan niya nalang.

Maya-maya dumating ang nurse na gumagawa ng rounds, ginising daw nito si Lolo Mauricio para bigyan ng gamot pero di na daw ito nagigising. Nalaman daw niya sa mga doktor na na-cardiac arrest ito at binawian ng buhay.

Medyo nabigla daw si Lolo sa pangyayari dahil noong gabi lang ay kausap pa niya ito at nagpaplano pa nga silang mamasyal sa mini park pag gumaling sila. Akala ni Lolo mas mauuna daw siyang mamatay kaysa kay Lolo Mauricio.

Pagkatanggal ng katawan ni Lolo Mauricio sa Ward, ni-request daw ni Lolo na ilagay ang higaan niya sa tabi ng bintana, gusto raw niyang makalanghap ng sariwang hangin at sinunod naman iyon ng nurse.

Habang nakahiga siya, naalala niya yung mini park na laging kinukwento ni Lolo Mauricio. Na-curious daw siya kaya naman pinilit niyang makaupo sa kanya kama kahit hirap na hirap siya. Pag silip niya sa bintana, nagulat daw siya kasi wala naman siyang makitang mini park kundi blankong pader. Sakto namang pumasok ang nurse kaya agad niya daw itong tinanong...

"Nurse, saan yung mini park dito, bakit wala akong makita?" tanong daw ni Lolo habang nakaharap daw siya sa blankong pader sa bintana ng ospital.

"Lo, wala pong mini park, pader po yang tinitingnan niyo." sagot naman niya.

"Meron, eh. Tuwing hapon, laging tinatanaw yun ni Mauricio sabi niya may park daw dito sa likod ng ospital, sabi pa nga niya sakin, magpagaling daw ako dahil mamasyal daw kami paglabas namin sa ospital."

"Lo, wala pong mini park sa likod ng ospital, panay gusali po dito. Bulag po si Lolo Mauricio, hindi po niya nakikita ang pader, gawa-gawa lang niya iyon. Gusto ka lang niyang pasayahin, gusto lang niyang buhayin ang loob niyo, nakikita niya kasi na palagi kayong nalulungkot sa kalagayan niyo."
-----
WAKAS







GINTONG ARAL:

Masarap sa pakiramdam kapag nakakagawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa sarili mo, fame and riches, yung success mo, yung mga achievements mo. Pero wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na ikaw ay nakapagpasaya ng ibang tao, yung tipong na-inspire mo sila, napagaan mo ang kalooban nila at nabago mo ang pananaw nila sa buhay.

Salamat po sa mga bumasa, sana na-inspire kayo. God bless.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon