Fellas,
Ang aking kakaibang kwento ngayong araw na ito ay tungkol sa nangyaring Holdapan sa Jeep. Hindi lang po ito kakaiba, ngunit nakaka kaba rin. But I assure you, pagnabasa niyo ito magkakaroon kayo ng kunting kaalaman kung paano niyo malalampasan ang ganitong disgrasya at syempre kapupulutan niyo rin ito ng gintong aral sa buhay.
Ito ay totoong nangyari sa isang tagong nayon ng Camarines Sur.
***
Isang araw, sumakay ng pampasaherong jeep si Aling Esperanza, 69 anyos. Papunta siya noon sa bayan upang mamili ng paninda para sa kanyang maliit na tindahan. Medyo hindi matao nang araw na iyon at walang masyadong pasaherong sumasakay. Kaya napagpasyahan ng driver ng jeep na lumarga na, kahit kaunti lang ang sakay nito. Apat lang silang nakasakay sa jeep noon, kabilang si Aling Esperanza.Habang tumatakbo ang jeep sa kahabaan ng kalsada, may pumarang isang magandang binibini, nakasuot ito ng pang opisinang damit at maayos tingnan. Hinintuan naman ito ng driver at pinasakay. Umupo ang magandang binibini sa hulihan ng jeep katabi ni Aling Esperanza.
Mayamaya may pumara ulit. Isang lalaking malaki ang katawan na parang construction worker! Mga nasa 35 ang edad nito, may dala itong martilyo at lagari. Hinintuan din ito ng driver, syempre kailangan nya ng pasahero. Umupo ang lalaking ito sa hulihan ng jeep, katapat ng magandang binibini.
Pagkalampas ng crossing, may sumakay ulit, mag-asawa! Mga nasa middle 50's sila kung iyong titingnan. Umupo naman sila sa likuran ng driver sa loob ng jeep, pero hindi sila nagtabi, yung lalaki umupo katapat ng asawa niya.
Ngayon ay walo na ang pasahero sa jeep.
Mayamaya, may pumara ulit, isa itong pulis, gwapo, matikas ang pangangatawan, naka uniporme at kagalang-galang tingnan. Umupo naman ito katabi ng driver sa harapan ng jeep.
Habang tumatakbo ang jeep, napansin ni Aling Esperanza ang pasaherong lalaking may dalang martilyo, hindi ito mapakali sa upuan saka panay ang tingin nito sa labas ng jeep at panay rin ang sulyap sa driver. Yung magandang binibini naman nagte-text sa cellphone niya. Yung dalawang pasaherong mag-asawa naman, nag-aaway at panay ang murahan. Yung pulis sa harapan ng jeep, nagtetext din sa celphone niya.
Mayamaya pa'y naagaw ang atensyon ng mga pasahero at lahat sila nakatingin dun sa nag-aaway na mag-asawa. Si Aling Esperanza naman, medyo kinutuban na at naramdaman nitong parang may kakaiba sa mga nakasakay sa jeep. Mas lalo pa itong kinabahan nang maramdaman nitong parang may bagay na nakatusok sa tagiliran niya, napasulyap siya sa magandang binibini, at nakatitig ito sa kanya ng matalim. Tiningnan niya kung ano ang nakatusok sa tagiliran niya, isa itong icepick, hawak iyon ng magandang binibini.
"Holdap 'to, walang sisigaw!" narinig niyang sigaw ng lalaking may dalang martilyo. Ngayon ay may hawak na itong patalim at tinututukan nito ang pasaherong katabi niya!
Yung dalawang mag-asawang nagbabangayan kanina ay mga holdaper din at kasabwat din nila! May hawak naman silang baril sa kanilang kamay at tinututukan nila ang mga katabi nilang pasahero.
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...