***
Isang araw habang namimingwit ng isda si Lolo Ambo, may napansin siyang alakdan na tumatawid mula sa dahon papunta sa sanga ng isang kahoy. Malapit na sana ito sa may sanga nang biglang humangin ng malakas kaya nahulog ito at dumiretso sa tubig. Dali-dali naman itong dinampot ni lolo Ambo sa tubig para sagipin, subalit kinagat siya kaya winasiwas niya ito at nahulog ulit ito sa tubig.
Nakita niya na nalulunod ulit ito nang bumagsak sa tubig kaya sinubukan niya ulit itong sagipin sa ikalawang pagkakataon, pero kinagat siya ulit nito. Kaya binitawan niya ulit.
Nang makita siya ng apo niya sinabihan siya nito...
"Lo, wag niyo na pong sagipin ang insektong yan, hayaan niyo siyang malunod, sasaktan lang kayo niyan, eh. Ilang beses mo na siya sinagip pero kinakagat pa rin kayo."
Sumagot ang matanda...
"Apo, likas na nangangagat ang mga alakdan, pero ako likas sakin ang tumulong. Likas na sakin ang pagiging matulungin, di mo na mababago iyan."
Saglit na nag isip ang matanda, umisip siya ng paraan kung paano niya makukuha ang alakdan nang hindi siya makakagat nito. Maya-maya, pumitas siya ng dahon at dahan-dahan niya pinasakay ang alakdan sa ibabaw ng dahon at maingat niya itong dinala sa ligtas na lugar.
---
WAKAS
GINTONG ARAL:
Marami sa atin kapag inaaway ng chismosang kapitbahay, pinapatulan pa natin, kaya humahaba ang alitan. Yung iba nakikipasabunutan pa. Ang dapat nating gawin, wag nalang nating patulan, umiwas tayo sa gulo, wag tayong bumaba sa lebel nila. Wag nating baguhin ang pagkatao natin para lang ma-pleased natin sila.
Thank you for choosing my stories to read. Vote po. God bless.
---MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, mga kwentong tiyak pupukaw sa inyong mga damdamin. Mula sa p...
