***
Isang araw sa isang pribadong ospital, dumating na humahangos ang isang doktor, nakatanggap kasi ito ng tawag na merong siyang ooperahang bata, emergency. Dali-dali naman itong nagsuot ng medical surgery suit at patakbong tinungo ang ER. Ngunit 'di pa man siya makakapasok ng ER ay sinigawan agad siya ng tatay ng bata."Bakit ngayon kalang? Hindi mo ba alam na nasa piligro ang buhay ng anak ko? Anong klase kang doktor, ha?" galit na galit na sigaw ng ama. Halata sa mukha niya ang sobrang pag aalala sa anak.
Mahinahon namang sumagot ang doktor...
"Pasensya na po, wala po kasi ako sa ospital. Nakatanggap lang po ako ng tawag kaya nagmadali na po akong pumunta rito."
Pero ang ama ng bata ay naghi-hiterical pa rin sa galit.
"Wala akong pakialam kung saan ka galing, ang akin lang sana magkaroon kayo ng sense of responsibility. Kapag may nangyari sa anak ko, managot kayo sakin!"
Ngumiti nalang ang doktor sa kanya at hindi na ito nakipagtalo.
"Sige ho, kung wala na po kayong sasabihin, tutuloy na po ako sa ER para magawa ko na po yung dapat kong gawin. Kalma lang po kayo, Sir."
"Kalma? Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo anak ang nasa loob. Ano kaya kung anak mo yung nag-aagaw buhay, kakalma ka kaya?"
Ngumiti ulit sa kanya ang doktor. "Wag po kayong mag alala, Sir, gagawin ko po lahat ng aking makakaya."
Makalipas ang ilang oras na paghihintay, sa wakas lumabas na ang doktor na
nag-opera, nakangiti itong lumapit sa tatay ng bata."Salamat sa Diyos, ligtas na po anak niyo, Sir. Maya-maya lang ay ilalabas na siya sa ER. Kung may mga katanungan pa po kayo, magtanong nalang po kayo sa nurse."
Magtatanong pa sana ang tatay ng bata, subalit nagmamadaling umalis ang doktor at lumabas na ito ng ospital.
"Ang bastos naman ng doktor na iyon, hindi man lang niya ako kinausap ng maayos, hindi man lang niya sinabi sakin kung ano kalagayan ng anak ko ngayon?" galit na sabi ng ama habang hinahatid niya ito ng matalim na tingin.
Sakto namang dumating ang nurse at narinig nito ang sinabi niya.
"Pasensya na po kayo kay Doc, Sir. Namatay po kasi anak niya sa road accident kahapon Nasa libing siya ng anak niya kanina nang tinawagan namin siya para sa surgery ng anak niyo. Ngayon po na ligtas na ang anak niyo, babalik na siya doon para ituloy ang libing ng anak niya." maluha-luha ang nurse habang kinukwento niya ang dahilan.
Dahil sa narinig niya, natauhan ang tatay ng bata at hindi ito nakapagsalita.
-----
WAKASGINTONG ARAL:
Huwag tayo kaagad maghuhusga, hindi natin alam kung ang pinagdadaanan ng ibang tao. May iba sa atin ang bilis kaagad maghusga base sa ugali, stilo, istado ng buhay ng isang tao, nang hindi muna natin inaaalam. Ang ending inaaway natin sila, kinaiinisan, kung minsan pinagbubuhatan pa natin ng kamay. Sana po ay maging aral sa atin ang kwentong ito at tayo po ay magbago.
Salamat po sa nagbasa...
God bless.-MARWA ANGELA ENRIQUE

BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualitéFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...