DALAWANG MAY KAPANSANAN

58 2 0
                                    

Hello Readers,

Thank you for reaching here. Ang next story ko po ay tungkol sa unity... Sana po magustuhan niyo.








***
Noong unang panahon, meron daw dalawang pulubing may kapansanan, ang isa ay bulag at ang isa naman ay pilay. Ang dalawang pulubing ito ay nakatira sa gubat malapit sa bayan.

Bagamat magkapitbahay ang dalawa, hindi po sila magkaibigan, sila po ay magkaaway. Magka kompetensya ang turingan nila sa isa't-isa. Parehas silang namamalimos sa bayan. Minsan naiinggit ang bulag kapag maraming kita ang pilay, iniisip niya na kapag wala sana ang pilay, siya lang ang lilimosan ng mga tao, kaya kung minsan nagtatalo sila.

Isang araw dumating ang hindi inaasahang sakuna. Nagkaroon ng malawakang sunog sa gubat at umabot iyon sa lubong tinitirahan nila. Bigla silang lumabas at nataranta sila kung paano sila makakatakas.
Kayang tumakbo ng bulag at malakas katawan niya kaya lang hindi niya makita  kung saang direksyon siya tatakbo. Ang pilay naman, nakikita niya kung saan ang apoy at nakikita niya ang daan kung saan ligtas para makatakas ngunit hindi siya makatakbo dahil my saklay siya.

Mabilis na kumakalat ang apoy dahil malakas ang hangin sa gubat at ilang sandali nalang madadamay na ang munting kubo nila. Nakita ng pilay na meron pang pagkakataong tumakas kaya naman sinubukan niyang kausapin ang bulag.

"Pare, pwede bang isantabi muna natin ang ating alitan, kailangan nating magkaisa ngayon, kailangan nating magtulungan para makaligtas tayo, kung parehas tayo nagpapataasan ng pride, parehas tayong malilitson dito."

Saglit na nag isip ang bulag.  Wala na siyang magagawa kundi ibaba ang pride niya kung ayaw niyang maging uling mamaya.

"O, sige ano naisip mo?" tanong niya.

"Sasakay ako sa likod mo, tapos sasabihin ko sayo kung saang direksyon tayo dadaan, pagsinabi kong tumakbo, tatakbo ka ha?" suhestiyon naman ng pilay sa kanila.

"Pambihira, lugi naman ako nito, ang bigat-bigat mo eh." reklamo naman ng bulag.

"Sige na, wag kana munang mag inarte kung gusto mo pang mabuhay, ayan na sa harap mo ang apoy, oh!"

Walang nagawa ang bulag kundi gawin ang sinasabi ng pilay. Dahil sa ginawa nila ay mabilis silang nakaalis ng gubat at sila ay naligtas.
------
WAKAS







GINTONG ARAL:

Sabi sa kasabihan, no man is an island. Hindi tayo mabubuhay nang nag -iisa,  ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang tungkulin na ginagampanan upang lahat tayo ay makausad sa takbo ng buhay.
God bless po sa lahat ng nagbasa. Comment lang po kung may gusto po kayong sabihin. Thank you.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon