Hello Readers,
Nais ko pong i-share sa inyo ang kwentong nabasa ko sa isang lumang babasahin tungkol sa pagmamahal ng isang ina. Na-amazed ako sa kwentong ito kaya nag decide akong gawin siyang part ng inspirational stories ko.
***
Isang araw, nagpasya ang bagong kasal na bisitahin ang kanilang magulang sa katabing probinsya. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, may nakita silang duguang babae sa gilid ng bangin, humihingi ito ng tulong.Agad namang hinintuan ito ng lalaki para tulungan ngunit sinaway siya ng asawa niya.
"Beh, wag na tayong makialam diyan, baka modus lang yan ng babaeng yan mapahamak pa tayo."
Takipsilim na nang mga oras na iyon at nasa highway sila at wala man lang mga kabahayan doon.
"Silipin lang natin, kawawa naman yung babae, baka kailangan niya ng tulong."
Bumaba ang lalaki sa kotse at nilapitan niya ang duguang babae. Tutol man ay wala nang nagawa ang asawa niya, bumaba na rin ito ng kotse at sinundan siya.
"Kuya, tulungan niyo po kami, naaksidente po kami. Patay na po asawa ko, pero buhay po yung anak namin, nandun po siya sa kotse." umiiyak na sabi ng duguang babae habang tinuturo niya yung kotse nilang nasa ibaba ng bangin.
"Bakit, ano ho bang nangyari, bakit kayo naaksidente?"
"Nawalan po ng preno yung kotse namin tapos nahulog po kami sa bangin.Tulungan niyo po akong kunin ang anak ko, Kuya. Maawa na po kayo samin."
Agad namang bumaba ng bangin ang lalaki para puntahan yung kotse. Nakita niya ang bata, naka seatbelt pa ito sa Child Safety Seat at iyak ng iyak. Sa tabi naman nito ay ang tatay niyang wala ng buhay. Mabilis niyang nirescue ang bata at dinala sa taas kung saan naghihintay ang misis niya.
"Beh, saan na yung babae kanina?" tanong niya sa asawa habang inaabot niya ang batang karga-karga niya.
"Sinundan ka niya kanina, di mo ba nakita?"
"Hindi, eh. Sandali puntahan ko ulit sa baba."
Bumaba ulit ang lalaki, hinanap niya yung nanay ng bata. Wala ito sa paligid. Subalit napansin niya ang isang babaeng duguan kamukha ng babaeng humingi ng tulong kanina, nakaupo ito katabi ng lalaking wala ng buhay.
Doon lang niya napagtanto na ang kausap niyang babae kanina na humingi ng tulong ay isa na palang kaluluwa. Nagpakita ito sa kanila para lang mailigtas ang anak.
Simula noon ay inampon nila ang bata at minahal nila na parang tunay na anak.
----
WAKASGINTONG ARAL:
Napakasarap sa pakiramdam kapag dinidinig ng Diyos ang ating mga hiling, ngunit wala ng mas sasarap pa kapag nakatanggap tayo ng
biyaya sa 'di inaasahang pagkakataon. Yung tipong hindi ka naman humiling ngunit kusang dumating. Sana ay nagustuhan niyo ang kwentong ito. Vote, Comment and Share.-MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...