HARDINERO

478 7 0
                                    

Hello po mga Readers, ito na po ang una kong kwento ngayong kapistahan ng Linggo Ng Pagkabuhay, 2018. Sana po ay magustuhan ninyo.
---








***
Isang gabi, napanaginipan kong naglalakad daw ako sa gitna ng isang malawak na Hardin. Lahat daw ng makita ko ay pawang magagandang bulaklak. Para bang merong isang taong nangangalaga nito dahil wala itong mga tuyong dahon at wala ring mga ligaw na damo.

Habang naglalakad ako, may narinig akong isang malamyos na tinig...

"Bawat bulaklak na nakikita mo ay kumakatawan sa lahat ng anak ng Diyos!"

Napatingala ako at hinanap ko ang nagsasalita. Nakita ko ang isang anghel, nakalutang ito sa ere. Kulay asul ang mata at meron itong ginintuang buhok. Bumaba ito, lumapit sakin at nginitian ako. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at magkasabay kaming naglakad sa Hardin.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwsang hindi mapatingin sa maamo niyang mukha.

"Ito po ba ang Hardin ng Eden?" tanong ko sa kanya.

Mabilis naman itong tumango habang tinitingnan niya ang mga naggagandahang bulaklak. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napakagandang tingnan ng buong Hardin, lahat ng mga bulalaklak animo'y may buhay.

"Naku! Ang gaganda naman po ng mga bulaklak dito. Siguro po ang sipag ng hardinero rito, ganda po kasi ng tubo nila, saka ang linis tingnan, wala ka man lang makitang tuyong dahon sa bawat sanga nila."

"Ang Panginoon ang nangangalaga ng Harding ito, kaya ang ganda ng tubo nila. Bawat halaman ay kinakausap Niya at lahat ng kanilang pangangailangan ay binibigay Niya."

Namangha ako sa sinabi ng Anghel. "Talaga po? Ang Panginoon ang Hardinero?"

"Oo, Siya ang Hardinero dito at napakagaling Niyang mag-alaga!" masaya naman niyang tugon sakin.

"Meron po ba akong bulaklak dito na kumakatawan sakin? Masigla rin po ba ito katulad ng ibang mga bulaklak?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Yan and dahilan kung bakit ka nandirito ngayon, halika, ituturo ko sayo ang bulaklak mo!" muli niyang hinawakan ang kamay ko at inakay ako papunta sa kabilang Hardin.

Bigla akong nanlumo nang makita ko ang hitsura ng Hardin. Kung sa kabila ay napakalinis tingnan, dito naman ay kabaliktaran.! Nababalot ito ng matitinik na baging at ang dami pang nagkalat na mga ligaw na damo, kaya naman hindi tumutubo ng maayos ang halaman at wala na ring sigla ang mga bulaklak dito.

"Kanino po ang mga patay na bulaklak na iyan, sino po ang kinakatawan nila?" tanong ko sa Anghel.

"Sila yung mga taong naliligaw ng landas. Sila yung mga taong tumalikod sa Diyos at patuloy na gumagawa ng kasalanan. Nakakalungkot mang sabihin, pero kasama rin diyan ang bulaklak na kumakatawan sayo!"

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon