***
Isang araw aksidenteng nahulog ang isang kambing sa natuyong balon. Umiyak ito nang umiyak kaya natawag nito ang pansin ng kanyang amo.Kaagad naman itong pinuntahan ng kanyang amo at nakita niya ang kalagayan ng kambing niya, nagmamakaawa itong sagipin siya.
Saglit siyang nag-isip.
Nagpasya siyang wag nalang sagipin ang alaga niya at tambakan nalang ng lupa ang balon. Hayaan nalang malibing ang kambing niya tutal matanda naman na ito at 'di niya na mapapakinabangan.
Kaagad niyang pinuntahan ang kapitbahay niya.
"Mang Kolas, pwede ko ho ba kayo maabala?"
Natawag ang pansin ng kapitbahay niyang medyo may edad na, kasalukuyan itong nag gagawa ng kulungan ng manok. Nilingon siya nito.
"Ikaw pala, Arman, ano atin?"
"Gusto ko ho sanang magpatulong sa inyo, tatambakan ko na kasi ng lupa yung balon ko, eh."
Tumayo ito at inayos ang pantalon niyang nalalaglag sa beywang. "Ngayon na ba?"
"Oho sana habang hindi pa mainit ang araw." sagot naman ni Arman.
"O, sige, mag aalmusal lang ako, sabihan mo na rin sila Tacio at Poldo, para may makatulong tayo para matapos agad."
Kaagad pinuntahan ni Arman ang mga ito. Sakto namang mayroon ding mga nagmagandang loob na kapitbahay at gusto rin nilang makatulong.
Makalipas ang isang oras, handa na ang lahat at may kanya-kanya silang dalang pala.
Subalit nang marating nila ang balon ay narinig silang iyak ng kambing. Dinungaw nila ang balon at nakita nilang may kambing na nahulog dito.
"Arman, sigurado ka bang patatambakan mo ng lupa ang balong ito? May kambing sa loob, oh? Aba'y malilibing yan ng buhay." puna naman ni Mang Kolas.
Sumagot naman si Arman, halata sa mukha niya ang pagkawalang-bahala. "Hayaan niyo na ho ang kambing na iyan. Matanda na ho yan, hayaan nalang nating malibing yan diyan."
Sige ho, umpisahan na natin tambakan 'to." wika ni Arman habang nag-uumpisa siyang mag pala ng lupa.
Sumunod na rin ang iba pa nilang kasama hanggang mangalahati na ang natambak nilang lupa sa loob ng balon. Ang akala ng lahat malilibing ng buhay ang kambing, ang hindi nila alam habang hinahagisan nila ito ng lupa, pinapagpag naman niya ito at ginagamit niya itong apakan para umangat siya.
Nang mapuno na ng lupa ang balon, kasabay nun ay nakaalis na rin ang kambing at nakaiwas ito sa tiyak na kapahamakan.
----
WAKASGINTONG ARAL:
Merong mga pagkakataon sa buhay natin na makakaranas tayong tapunan ng dumi, in other words makaranas ng failures or rejections. Ayos lang kasama talaga sa buhay iyan. Don't lost hope, think positive, let's use it as stepping stones to reach our goal. English yun ha?
Salamat po sa mga bumasa. God bless po sa inyo.
-MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...