Nakaranas na ba kayong makatanggap ng sulat galing sa Postman? Now a days hindi na po uso yan kasi may internet na. Pero paano kung makatanggap ka ng sulat galing kay Lord, anong gagawin mo?
Readers,
Ang kwentong isi-share ko sa inyo ngayon ay kwento ng catechist teacher ko noong elementary days. Nagagandahan ako sa kwento niya kaya gusto syang maging parte ng inspirational stories ko.
***
Minsan daw merong isang magandang ginang na palaging nakakatanggap ng sobre sa kanyang mailbox, wala itong silyo pangalan lang niya ang nakalagay at address niya. Dahil wala itong sender's name 'di niya ito binuksan iniisip niya baka may nanloloko lang sa kanya.
Hanggang isang araw na-curious siya kung ano ang nilalaman ng sulat kaya nagpasya siyang buksan ito. At ito daw ang nakasulat...
////////////////////////////
Dear Angela,
Pupunta ako sa baranggay niyo mamayang hapon at diyan ako sa bahay niyo tutuloy.
Nagmamahal,
Hesus
////////////////////////////
Nanginginig daw ang kamay ni Angela nang ilapag nito ang sobre sa mesa.
"Bakit ako pa ang napili ng Diyos, ordinaryo lang akong tao, wala akong maipapakain sa Kanya." bulong niya sa sarili. Problemado daw ito kasi walang itong pera para makabili man lang ng ipapa-meryenda sa bisita niya.
Nang buksan niya daw ang cabinet, wala itong kalaman-laman. Buti nalang daw meron itong natitirang 50 pesos sa pitaka niya.
"Pwede na 'to makakabili na 'to ng tinapay, itlog at juice." sa isip-isip niya.
Dali-dali daw si Angela pumunta ng tindahan at nakabili siya ng tatlong tinapay, limang itlog at orange juice.
Kinahapunan, nag umpisa na siyang mag prepare ng meryenda para sa bisita niya. Tapos pinalamanan niya ng itlog ang tatlong tinapay na nabili niya, tinimpla niya na rin yung juice at nilagay sa ref.
Habang hinihintay ni Angela ang pagdating ng bisita niya, meron daw mag-asawang pulubi ang kumatok sa bahay niya..
"Tao po, pwede po bang makahingi ng pagkain? Kahit yung tira-tira niyo na lang po, malamanan lang tiyan namin." nakikiusap na sabi ng dalawang matanda.
Tiningnan daw ito ni Angela. Nakakaawa daw hitsura nila punit-punit ang damit tapos walang tsinelas. Tapos ang baho pa raw ng amoy parang walang ligo-ligo.
"Tay, Nay, pasensya na ho kayo, mahirap lang po ako. Meron po ako ditong tinapay na may palamang itlog, kaso po may importante po akong bisita na darating ngayon, nakakahiya naman kung wala man lang akong maipakain. Sana po maintindihan niyo."
"Sige, ayos lang anak. Naiintindihan namin. Maraming salamat."
Nakita raw ni Angela na malungkot na umalis ang mag asawang pulubi habang paika-ika silang naglalakad sa iskinita. Naantig ang puso niya, naisip niya na baka di pa ito nag aalmusal, mamaya himatayin pa sila sa daan.
Kaagad daw nilagay sa supot ni Angela ang ginawa niyang meryenda at hinabol niya ang dalawang matanda sa iskinita.
"Tay, sa inyo nalang po 'to meryenda, kainin niyo po yan ni Nanay, ha?" nakita niya na giniginaw sa lamig ang pulubing babae kaya tinanggal niya ang jacket niya at pinagsuot niya dito. " Nay, isuot niyo po to, para di kayo lamigin, umaabon pa naman.
Wala daw pag sidlan ng tuwa ang dalawang matanda. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil may makakain na sila.
"Anak, maraming salamat sa kabaitan mo, ha? Bigay ka ng Diyos sa amin. Maraming, maraming salamat, ha? Paano ang bisita mo, wala ka nang ihahanda para sa kanya?"
"Ayos lang po, gagawa nalang po ako ng paraan, sige po." Naglakad raw si Angela pabalik ng bahay, wala na yung jacket niya pati yung pang meryenda niya para sa bisita niya ay wala na rin.
Nang makarating siya sa pintuan ng bahay, napansin niya na may bagong sobre sa mailbox niya.
"Bakit may bagong sobre dito, kanino 'to galing?" nagtaka siya kasi wala naman dumadaan na mailman sa bahay niya.
Kinuha niya raw ito sa mailbox at binuksan niya...
////////////////////////////
Dear Angela,
Masaya akong nagkita tayo ulit. Salamat nga pala sa ginawa mong meryenda at saka sa jacket na bigay mo. Maraming salamat, ha?
Laging nagmamahal
Hesus
///////////////////////////
Nang mabasa daw iyon ni Angela ay nakaramdam siya ng kakaibang saya sa kalooban niya at nagpasalamat siya sa Diyos dahil na na-experience niya ang bagay na iyon.
-----
WAKAS
GINTONG ARAL:
Sabi sa bible, kapag daw gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa natin, gumagawa raw tayo ng kabutihan sa Diyos. Sana po ay naibigan niyo ang kwentong ito. God Bless.
-MARWA ANGELA ENRIQUE
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, mga kwentong tiyak pupukaw sa inyong mga damdamin. Mula sa p...
