ULAN

66 2 0
                                    





***
Isang maulang Linggo ng umaga, sinama ni Lala sa kotse ang kanyang anak para mag grocery. Wala siyang pasok sa office pag Linggo kaya naman sinasama niya ito kahit saan siya magpunta parang pinaka bonding nalang nila iyon na  mag-ina.

Si Chandel ay napaka bibong bata, 8 years old palang siya pero matured na siyang mag isip at top student lagi siya sa school.

Habang tahimik na nagmamaneho si Lala, saglit niyang sinulyapan sa rare view mirror ang anak niya sa likod. Seryoso itong nakamasid sa pagpatak ng ulan sa windshield ng kotse.

Maya-maya ay nagsalita ito...

"Mommy, tingnan niyo po yung patak ng ulan."

"Anong problema mo sa patak ng ulan? Hayaan mo lang siyang pumatak, siyempre tag ulan ngayon, eh." sagot naman ni Lala na habang nakatuon ang paningin niya sa kalsada. Halata sa tinig niya na wala siyang interes makipag diskusyon.

"Ano ba yan si Mommy tingnan mo lang kasi."

"Ano nga?" nakukulitan na ito sa anak niya.

"Pansinin niyo, po yung patak ng ulan, tuloy-tuloy siya diba? Tapos tuloy-tuloy din yung pag punas ng wiper..."

"Natural lang yan, siyempre nababasa ng ulan yung windshield natin, kailangan nating punasan ng wiper. Gusto mo bang ma....."

"Mismo!" sagot agad ng bata, di pa tapos magsalita ang mommy niya pero agad niyang pinutol ang sasabihin nito.

"Parang tayo, palagi tayong gumagawa ng kasalanan, tapos palagi rin tayong pinapatawad ni God, diba tama ako Mommy?"

Biglang natahimik si Lala at di siya nakasagot. Napagtanto niya na tama ang kaniyang anak at tinamaan siya sa sinabi nito.

Nagpatuloy lang magsalita si Chandel kahit di nakikinig ang Mommy at in-explain pa niya.

"Di ba, Mommy, tama po ako? Yung ulan sumisimbolo siya sa kasalanan ng mga tao, yung wiper naman sumisimbolo kay God. Habang patuloy na nagkakasala ang mga tao, patuloy rin si God sa pagpunas sa mga kasalanan ng mga tao?"

Ngunit di pa rin sumagot si Lala, nakikinig lang ito.

"Pero... paano po kaya kapag nangawit na yung kamay ni God sa kakapunas ng kasalanan ng tao, ano po kaya mangyayari sa mundo?"

Nahinto lang ang iniisip niya nung sabihin ng Mommy niya na nasa grocery na pala sila.

"Nandito na tayo sa Puregold anak, baba kana! mamaya mo na isipin yung 'mga kasalanan ng tao' pag nasa bahay na tayo, ha? Come on, come on."
---
WAKAS








GINTONG ARAL:

Kahit kailan hindi napapagod ang Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan. Kahit gaano man kaliit o gaano man kalaki ang mga kasalanan natin binibigyan Niya pa rin tayo ng chance na magbago at ituwid yung mga pagkakamali natin. 

Hindi mag sasawa ang Diyos na punasan tayo sa ating karumihan. Nasa sa ating mga tao nalang kung paano  tayo hihinto sa pagkakasala at  tanggapin ang ang grasya ng kanyang pagpapatawad.

God bless po sa lahat sana ay naibigan niyo ang kwentong ito.

--MARWA ANGELA ENRIQUE


BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon