TUPANG LIGAW

685 11 0
                                    

Adik, Snatcher, Holdaper, Laking Eskwater, Kawatan, Badboy, Barumbado, Basagulero, Labas-masok sa kulungan, Salot sa lipunan. Siya si Brando, walang trabaho, dakilang tambay sa kanto. Sa tingin niyo may pag-asa pa kaya siyang magbago?




MUNTING PAALALA:

Ang kwento pong ito ay naglalaman ng maseselan at mararahas na pananalita. Hinihiling ko po ang inyong pang-unawa nang sa ganun maging makatotohanan ang bawat eksena sa kwento.

(Inspirational story dedicated to queengirlyellow)
_________________







***
Bata pa lamang si Brando ay kinasanayan na nito ang manirahan sa squatter's area kasama ng lola niya. Maingay, mabaho, maraming nagkalat na basura at lagi pang binabaha ang lugar nila. Bukod pa doon, ang eskwater na kinalakihan nito ay pugad din ng mga masasamang loob, mga adik, mga taong nagtutulak ng shabu, mga holdaper at mga hitman.

Si Brando ay anak sa pagkadalaga ng kanyang ina, sanggol pa lamang ito nang iwan ito ng kanyang ina nang sumama ito sa ibang lalaki. Kaya naman tanging lola na lamang niya ang kinagisnan niyang pamilya. Illegal vendor sa palengke ang lola ni Brando at iyon ang tangi nilang ikinabubuhay. At dahil sa hirap ng buhay, hindi na ito nakapag-aral, sa halip naging katu-katulong na lamang ito ng kanyang lola sa pagtitinda. Kung minsan nangangalakal si Brando para pangdagdag sa gastusin nilang mag-lola. Kahit bata lamang ito, gumagawa na ito ng paraan para makatulong. Kuntento na ito sa buhay na mayroon siya, wala na siyang mahihiling pa basta't kasama niya ang pinakamamahal niyang lola.

Subalit, dumating sa buhay ni Brando ang 'di inaasahang pangyayari. Isang gabi nagkaroon ng sunog sa lugar nila at mabilis itong kumalat sa buong squatter's area. Mapalad na nakaligtas si Brando, ngunit sinawing-palad naman ang lola nito nang tangkain nitong pumasok sa bahay nilang nasusunog upang isalba ang iba pa nilang gamit, pero hindi na nito nagawang makalabas pa ng bahay nang gabing iyon at nasunog ito ng buhay kasama ng pagkatupok ng munti nilang tahanan.

Sobrang dinamdam ni Brando ang pagkawala ng lola niya at sinisi nito ang Diyos sa matinding kamalasang nangyari sa buhay niya . Lumipas pa ang mga buwan at unti-unti nang nawalan ng direksyon ang buhay nito hanggang sa magpalabuy-laboy nalang ito sa lansangan kasama ng iba pang mga batang eskwater. Dahil dun natoto na itong gumawa ng masama, tulad ng magnakaw at manghablot ng cellphone sa jeep para lang may maipambili ito ng pagkain.

Lumipas pa ang panahon at lalong naging masama si Brando. Unti-unti niya na ring natututunang mangholdap, mang-1-2-3, mangloko ng tao, mang-snatch ng bag at kung anu-ano pang masamang gawain dahil na rin sa impluwensya ng mga barkada nito. Hindi naglaon, natoto na rin itong gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Lumipas pa ang mga taon at tuluyan na ngang nalulong si Brando sa droga hanggang sa magkanda utang-utang na ito sa mga tulak para lang makagamit. Dahil sa masasama nitong mga gawain, naglabas-masok ito sa kulungan, ngunit hindi pa rin ito nagtatanda at kapag nakakalaya, patuloy pa rin itong gumagawa ng masama.

Isang araw nagkayayaan ang buong barkadang mag-beerhouse...

***
"Tol, gusto mo bang i-table 'yung seksing babaeng 'yon, oh," tatawa-tawa si Estong sabay turo nito sa GRO na naka-red at halos kita na ang singit s sobrang ikli ng palda.

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon