SINAG NG PAG-ASA

5.9K 6 0
                                    

Ang panghuli ko pong kwento ngayong Linggo Ng Pagkabuhay ay tungkol po sa isang kwento ng Pag-asa (Story of Hope). Sana po ay kapulutan niyo ito ng aral...











***
Noong kasagsagan ng bagyong Yolanda sa bayan ng Tacloban City, isa si Jenny sa mga maswerteng nakaligtas. Nakita ito ng mga rescuers na palutang-lutang sa gitna ng laot habang nakakapit sa isang basyong plastic container. Ngunit ang mga magulang nito ay hindi na nakita pa simula nang tangayin ang buong bahay nila ng isang higanteng alon. Bagamat pinalad itong makaligtas, nagkaroon naman ito ng matinding trauma na habang buhay nitong dadalhin. Para kay Jenny, napakahirap tanggapin ang mapait na katotohanang hindi niya na makakasama pang muli ang pamilya niya. Sa mura nitong edad na sampung taon, hindi nito alam kung paano magsisimulang muli, wala na itong mapuntahan, pati ang mga kamag-anak nito ay wala na rin.

Nang manumbalik muli ang lakas ni Jenny simula nang ma-rescue ito sa gitna ng laot, nagpasya itong puntahan ang lugar kung saan nakatirik ang bahay nila noon. Habang naglalakad ito, agad itong sinalubong ng malamig na hangin at nakarinig ito ng mga panaghoy na 'di nito mawari kung saan galing. Hindi man lang ito nakaramdam ng takot at nagpatuloy lang ito sa paglakad. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, para na itong ghost town. Wala na ang mga nagtataasang gusali, ang ibang bahay halos haligi nalang ang natira, isama pa doon ang masangsang na amoy ng hangin galing sa mga nabubulok na hayop.

Napaluha ito ng makita niyang muli ang dating lugar na kinatitirikan ng bahay nila. Halos wala na ang mga haligi nito at sementadong sahig nalang ang natira. Dahil sa labis nitong pangungulila, nag-flashback sa utak niya ang masayang alaala ng pamilya niya noong nabubuhay pa ang mga ito...

Naalala ni Jenny kung paano siya asikasuhin ng Mommy niya noon, lagi siya nitong hatid sundo sa school at palagi siyang pinagluluto ng paborito niyang merienda tuwing hapon. Lagi silang nagsa-shopping sa Mall at kahit anong magustuhan niya, binibili ng Mommy niya.. Tuwing uuwi naman ang Daddy niya galing sa trabaho, lagi itong may pasalubong na Dunkin Donut at masaya nila itong pinagsasaluhan. Ngunit ang pinaka-namimiss niya sa lahat ay ang Kuya Jasper niya. Lagi siya nitong inaasar hanggang sa umiyak siya, pero kaagad naman siya nitong inaalo at binibilhan siya ng burger para hindi na siya magtampo.

Lalong napahagulgol si Jenny nang mapagtanto nitong hanggang alaala na lang pala niya makakasama ang mga ito. Sinira ng delubyong iyon ang masaya niyang buhay. Nang dahil sa delubyong iyon nawala ang lahat pati ang pamilya niya.

"Gusto ko ng mamatay! Gusto ko ng mamatay! Wala ng silbing mabuhay pa!" Napasigaw ito sa kawalan dahil sa kanyang labis na paghihinagpis at dahan-dahan itong napaluhod at sinubsob nito ang mukha niya sa mga palad niya.

Unti-unting nawala ang lungkot na nararamdaman nito at napalitan ito ng galit at poot hanggang maisip nitong magpakamatay nalang.

"Bakit nabuhay pa ako, sana nalunod nalang ako kasama nila! Sana pare-parehas nalang kaming namatay!" galit na galit nitong sigaw. Agad itong naghagilap ng lubid at itinali sa kanyang leeg.

Aakyat na sana ito sa may puno para magbigti nang biglang umihip ang malamig na hangin. Bigla natigilan si Jenny at napalingon ito. Dahan-dahan itong napaatras nang makita niya ang isang imahe ng tao, nakatayo ito sa harapan niya, nakasuot ito ng puting damit at nagniningning ang kaputian nito sa dilim.

"S-sino ka?" Kumabog bigla ang dibdib niya at nahintakutan siya.

"Halika, sumama ka Sakin!" malumanay namang sagot ng taong nakaputi sabay abot ng kamay nito ngunit nagdadalawang isip si Jenny kung tatanggapin niya ito o hindi.

"Halika anak, wag kang matakot. Hawakan mo ang kamay Ko!" wikang muli nito pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. "Alam kong gusto mo silang makita, bibigyan kita ng pagkakataon!"

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon