Ang pangalawa ko pong kwento ngayong Easter Sunday ay kahawig po sa Footfrints In The Sand. Favorite poem ko po yun kaya na-inspire akong gumawa ng sarili kong kwento na magpapa-antig sa inyong mga puso...
---***
Sa kalaliman ng aking tulog, dinala ako ng aking diwa sa ibang dimensyon. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa isang mahabang kalsada kasama ang Panginoon. Kasabay ko Siya at hawak-hawak Niya ako sa kamay. Sa gitna ng aming paglalakad, napansin kong merong palikong kalsada papuntang kaliwa. Sa dulo nun, may naririnig akong ingay ng mga taong nagkakasiyahan, may nagtatawanan, may nagkakantahan at ang lakas ng tugtog nila kasabay ng pagpatay-sindi ng kanilang ilaw. Parang bang may fiesta!Na-curious ako kaya naman agad akong nagpaalam sa Panginoon...
"Panginoon, sandali lang po! Pupuntahan ko lang po ang lugar na iyon," sabi ko sa Kanya sabay turo ko doon sa lugar kung saan maraming taong nagkakasiyahan.
Bago pa man makasagot ang Panginoon, natanggal ko na ang kamay Niya sa pagkakahawak Niya sakin at agad na akong tumakbo.
"Bilisan mo! Hihintayin kita rito, ha?" tanging nasambit na lamang Niya, subalit hindi ko na Siya nilingon at nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo.
Nang mapagod ako, nilingon ko Siya, nandun pa rin Siya nakatayo at tinatanaw ako. Tiningnan ko naman ang lugar na pupuntahan ko, ang lapit ko na, siguro mga limampung metro nalang ang layo ko. Nang makapagpahinga ako, nagpatuloy ulit ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang lugar na iyon.
Nadatnan ko ang mga tao, totoo nga, nagkakasiyahan sila. Merong nagkakantahan, merong nagsasayawan. Meron ding mga lalaking nag-iinuman at nanonood ng mga hubad na babaeng nagsasayaw sa entablado. Pero may isang bagay na umagaw sa atensyon ko, napansin ko ang ilang kalalakihang nagsusugal, ang dami nilang hawak na pera. Nilapitan ko sila at pinanood ko sila habang naglalaro. Naengganyo ako kaya sinubukan kong tumaya, swerte namang nanalo ako at nagkaroon ako ng maraming pera. Nawili ako, kaya tumaya ulit ako hanggang naging bisyo ko na ang magsugal. Dahil saking bisyo, nakalimutan ko ang Diyos. Buong buhay ko wala akong ginawa kundi magsugal. Dahil doon yumaman ako at nagkaroon ako ng magandang bahay at magagarang sasakyan.
Ngunit hindi naglaon naging mailap ang swerte sakin. Nakita ko nalang ang sarili ko habang unti-unti kong ipinagbibili ang mga napondar kong gamit para lang may mai-pangsugal. Hanggang sa dumating ang oras na naghihikahos na ako, nawala na sakin ang lahat, halos tirang pagkain nalang sa basurahan ang kinakain ko para lang mabuhay. Napabayaan ko ang sarili ko at nagkaroon ako ng malubhang sakit. Dahil sa kalagayan ko, naaalala ko ang Panginoon.
"Iniwan ko ang Panginoon dahil sa bisyo ko! Ang sama-sama ko!" sa isip-isip ko. Bigla akong napaluha at nagsisi ako sa mga kasalanang nagawa ko.
Dahil dun nakaramdam ako ng kunting sigla. Dahan-dahan akong tumayo at nagsimula akong maglakad pabalik sa Panginoon.
"Babalikan ko ang Panginoon!" sabi ko sa sarili ko ngunit may isang boses na bumulong sa isipan ko.
"Tanga, wala na ang Panginoon mo doon, iniwan kana Niya. Sa tingin mo ba hihintayin ka pa Niya ng ganun katagal? Bobo!"
Subalit hindi ko pinakinggan ang boses na yun, sa halip nagpatuloy akong maglakad at hinanap ko ang daan pabalik sa Panginoon kahit hirap na hirap na ako. Sa bawat paghakbang ko, halos kapusin ako sa paghinga dahil sa sakit ko pero hindi ako sumuko, tiniis ko ang sakit hanggang sa namalayan ko nalang malapit na pala ako sa lugar na pinag-iwanan ko sa Kanya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong muli ang lugar na iyon. Mula sa kinatatayuan ko, may natanaw akong tent kung saan nakatayo ang Panginoon noong iniwan ko Siya.
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpirituellesFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...