Ito po ay kwento ni Gardo, isa po siyang taong nawalan ng direksyon ang buhay dahil sa masamang bisyo. Sana po magustuhan niyo ang takbo ng kwento niya.
Note:
Ang kwentong ito ay naglalaman ng marahas na pananalita, hinihingi ko po ang inyong pang-unawa nang sa ganun maging makatutuhanan ang mga eksena sa kwento. Salamat.***
"Brammm! Brammm!"Sakay ng N-Max na itim, nag park si Gardo sa tapat ng bakery kasama ang dalawang angkas niyang katropa na sina Andy at Topher. Pagkababa ng isa sa kanila ay agad nitong tinungo ang tindahan para bumili ng yosi.
"Tol, ano ready kana bang gumawa ng kasalanan?" nakangising tanong ni Gardo kay Andy sabay tukod ng center stand ng motor niya para hindi ito matumba. Palihim naman nilang tinatanaw ang bangkong nasa kabilang kalsada. Mga dalawang buwan na nila itong minamanman, masusi nilang pinag -aaralan kung paano nila ito lolooban.
"Sus, Tol, ako pa ba? Born ready yata ito." sagot naman ni Andy, yung pinakamayabang sa tropa. "Ano, ngayon na ba?"
"Yan, ang gusto ko sayo, Tol, eh. Laging kang ready." sabi naman ni Gardo sabay dikit ng mga kamao nila.
"O, yosi muna kayo mga Tol." siya namang dating ni Topher sabay abot niya ng yosi sa dalawa.
Umupo si Gardo sa N-Max at yung dalawa naman ay nakasandal sa likod, kung titingnan mo di mo sila mapagkakamalan na mga holdaper dahil ang ayos ng mga pormahan nila, pero hindi kanila ang motor na gamit nila, kinarnap lang nila ito at ginagamit nila ito kapag nang- snatch sila. Sila ay mga noturious na mga kawatan sa bayan ng San Rafael. Sakit sila sa ulo ng mga pulis sa kadahilanang hindi sila mahuli-huli dahil mala-palos ang kanilang galawan at magaling silang mag disguise.
"Balita ko isa lang yung guard on duty nila sa Sabado ng hapon, maaga daw uuwi yung kasamahan," sabi ni Topher, nakatitig ito sa pintuan ng bangko habang humihithit ng yosi.
"Talaga, legit ba yang source mo?" tanong naman ni Gardo. "Kung ganun pwede na natin looban yan sa Sabado ng hapon, sakto kunti nalang tao pag ganung oras."
"Tamang-tama, ano mga Tol, final na yan ha?" sabi naman ni Andy.
Sumagot naman si Gardo na siyang pinaka leader ng grupo. "Sige, sige. Matagal na rin nating minamanmanan yan, kabisado na natin ang mga galawan ng tao diyan. Basta dating gawi ha, Topher, ikaw ang look out sa labas, tapos Andy ikaw na bahala sa security guard, dapat mabilis ang galawan natin ha? Kailangan 5 minutes tapos na tayong manlimas."
Pag uwi ni Gardo sa bahay, nadatnan niyang naglalaba ang live in partner niyang si Estella. Di man lang niya ito pinansin at dire-diretso lang siya sa kusina. Pagbukas niya ng kaldero, walang sinaing, wala ring ulam, pagtingin niya sa lababo tambak ang mga platong hugasin tapos nanlilimahid pa sa dumi ang gas stove nila, halatang isang buwan nang hindi nadadampian ng pamunas.
"Pesting buhay to, wala man lang makain dito," pagalit na sabi ni Gardo sabay hagis niya ng kalderong walang laman sa lababo.
"Plannggg!"
"Tang ina!"
Sinigawan naman siya ni Estella na bwisit na bwisit sa kanya dahil sa pagiging iresponsable...
"Hindi ganyan ang pagbasag, Gardo, ihampas mo sa pader, tang ina mo. Diyan ka naman magaling, eh."
Binalingan naman ito ni Gardo ng topak niya...
"Tumahik kang babae ka, wag mo akong sabayan, animal ka! Nasaan ang pagkain, ipaghain mo ako, bilis!"
Lalong nanggigil sa galit si Estella sa kanya, padabog itong tumayo sabay hagis ng damit na kinukusot niya...
BINABASA MO ANG
BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)
SpiritualeFREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kwento na kapupulutan ninyo ng aral sa buhay. Mga nakaka-inspire na karanasan, mga pangyayari, kwento...