HANGIN

41 2 0
                                    

Natanong mo na ba sa sarili mo kung paano maging matagumpay sa buhay? Paano nga ba magiging matagumpay sa buhay, ano kaya ang sekreto?







***
Isang araw nag-uusap ang isang bata at ang lalaking medyo may edad na.

"Tay Badong, paano po ba maging matagumpay sa buhay?" tanong ng bata kay Tatay Badong isang matagumpay na negosyante.

"Gusto mo bang malaman? Sige, puntahan mo ako bukas ng umaga sa pampang ng ilog, ipapakita ko sayo kung ano ang sekreto."

Kinabukasan, maaga palang nagpunta agad ang bata sa pampang ng ilog at nakita niya si Tatay Badong na naglakad-lakad. Nilapitan niya ito.

"Tay Badong, ano po gagawin natin dito, bakit dito mo ako dinala, maliligo po ba tayo?"
tanong ng bata habang tinatanggal niya ang t-shirt niya.

"May gagawin tayo bago ka maligo."

"Ano po yun?"

Sabay silang lumusong sa tubig at dinala niya ang bata sa medyo malalim. Pagkatapos ay nilubog niya ito. Nang maramdaman niyang pumapalag ito, lalo lang niya itong nilubog sa tubig. Makalipas ang dalawang minuto ay nilitaw niya na ang ulo ng bata para makahinga.

Nakita niyang sisinghap-singhap ang bata habang hinahabol ang hininga niya.

Noong nasa ilalim ka ng tubig at hindi ka makahinga, anong gusto mo, anong pinaglalaban mo?"

"Hangin po. Di po kasi ako makahinga sa ilalim ng tubig." sagot agad ng bata.

Ngumiti sa kanya si Tatay Badong.

"Ngayon alam mo na ang sekreto ng tagumpay. Kung gusto mong makamtan ang tagumpay katulad ng kagustuhan mong makahinga sa ilalim ng tubig, makakamtan mo ito kagaya ng iyong ninanais."
---
WAKAS








GINTONG ARAL:

Ang tagumpay ay nag-uumpisa sa pagnanais mong makamit ang isang bagay. Isipin mo kung ano talaga ang ninanais mo sa buhay at pagsumikapan mo ito. Wag mong hayaang diktahan ka ng mga taong nasa paligid mo. Gawin mo kung ano ang gusto mo.
Salamat po sa nagbasa.
God bless po. Sana na-inspire kayo.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon