BANGKANG WALANG TAO

36 2 0
                                    

Hello readers,

Sino po sa inyo ang mga short-tempered persons, yung bang mabilis magalit? Yung tipong naha-highblood agad kapag may salitang hindi nagustuhan. Ang kwentong ito ay para sa inyo.




***
Minsan pumunta raw ang isang monghe sa gitna ng laot para magnilay. Gusto niyang mapag-isa malayo sa monasteryo at ayaw niya ng mga isturbo kaya naman nagpasya siyang pumunta sa gitna ng laot para doon magdasal.

Pagdating sa laot ay kaagad siyang umupo sa kanyang bangka, taimtim na pumikit at nag-umpisang magnilay. Magandang lugar ang dagat para sa mga nagme-meditate, bukod sa nakaka-relax ito, nakakapanatag din ito ng isip at dito makakapagnilay ka talaga ng husto dahil walang iistorbo sayo.

Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagninilay, biglang may bumangga sa bangka niya, medyo malakas ang pagkakabangga kaya nasubsob siya. Bigla siyang nabwisit at nainis kasi nawala siya sa konsentrasyon, pakiramdam niya umakyat ang dugo niya, uminit ang taenga niya at pati ang ulo niya. Sa sobrang inis, parang gusto niyang bambuhin yung nagmamaneho ng bangka.

"Anak ng tokwa naman, oh. Di ba nakikita ng hayop na 'to na nagdadasal ako? Ano ba 'to bulag? Ang lawak-lakak ng dagat, oh? Dito pa talaga siya dadaan sa tabi ko, bwisit na to?" aniya sa isip niya.

Sisinghalan na niya sana yung nagmamaneho ng bangka, pero pagdilat niya nagulat siya kasi walang tao ang bangka. Ang bangka palang iyong ay hindi nakatali kaya tinangay ito ng hangin at aksidenteng bumangga sa kanya. At dito napagtanto ng monghe na yung galit ay hindi pala nanggagaling sa labas bagkus nanggagaling ito sa loob ng sistema ng tao. Ang tao ang may kontrol sa galit niya At kapag ang isang tao ay inaway ng kapwa niya nasa sa kanya nalang kung papatulan niya ito.

Ang karanasang iyon ay nagsilbing aral sa monghe.
Sa bandang huli kapag may mga taong nang aaway sa kanya, hindi nalang niya ito  pinapatulan, iniisip niya katulad lang din sila ng isang bangka na walang tao. Dahil dito nakokontrol niya ang galit niya.
-----
WAKAS






GINTONG ARAL:

Karamihan sa atin ang bilis magalit, nasagi lang, gusto nang manapak agad. Minsan nakarinig lang tayo ng chismis, manunugod agad tayo ng kapitbahay. Minsan pa nga nauuwi pa sa sabunutan, kaya ang ending nagkakasakitan tayo. Sana matutunan natin kung paano kontrolin ang galit natin nang hindi tayo napapahamak sa bandang huli. Thank you po sa lahat ng bumasa. God bless.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon