TAGALINIS NG EROPLANO

36 2 1
                                    





***
Si Dam Pot ay isang tagalinis ng eroplano sa isang paliparan. Araw-araw, ito ang trabaho niya, ang maglinis ng eroplano hindi lang sa labas kundi pati na rin sa loob. Napakalaki ng eroplano kaya naman inaabot siya ng gabi sa paglilinis.

Isang araw habang nililinis niya ang harapan ng eroplano, nakita niya ang isang manual sa may upuan ng piloto, may nakasulat ito sa cover na "Paano Magpalipad ng Eroplano". Dahil likas na kay Dam ang pagiging pakialamero, kinuha niya ito at pinakialaman. Na-curious siya kung paano pinalilipad ang eroplano kaya tumigil muna siya sa pagpupunas at binasa niya ang manual.

Pagbukas niya ng manual nabasa niya kaagad sa first page ang instruction.

"Para buhayin ang makina, pindutin lamang ang kulay pulang pindutan."

Buti nalang tagalog ang manual kaya naintindihan niya kaagad.

Tuwang-tuwa naman si Dam, exited na siya, sa wakas magta-try niya nang magpalipad ng eroplano, kaya agad na siyang umupo sa pilot seat at pinindot niya agad ang kulay pulang pindutan.

Biglang nabuhay ang makina ng eroplano at umugong ito, kaya naman tuwang tuwa at mapasayaw pa siya. Ngayon gusto niyang malaman kung ano ang sunod na gagawin kaya binuksan niya ang next page ng manual.

"Para gumalaw ang eroplano, pindutin lamang ang asul na pindutan."

Habang umaandar ang makina, pinindot niya ang asul na pindutan at nakita niyang nag-umpisa na itong tumakbo sa runway ng mabilis, ngayon gusto naman niyang malaman kung paano ito paliliparin kaya binuksan niya kaagad ang next page.

"Para lumipad ang eroplano, pindutin lamang ang berdeng pindutan."

Pag pindot ni Dam ay bumulusok ito pataas at lumipad sa ere. Walang katumbas na kasiyahan ang naramdaman ni Dam ng mga oras na iyon. Habang nasa ere siya ay pinalipad niya ito ng pinalipad hanggang umabot siya sa kalahating oras.

Nang magsawa siya, naisip niyang mag-landing na sa runway, kaya naman kinuha niya agad ang manual at binuksan ang next page...

"Para malaman kung paano palandingin ang eroplano, mangyari lamang na bumili ng manual 2 sa malapit na bookstore, thank you."

Nang mabasa niya iyon, kinabahan siya bigla at nagpanic siya at sa kasawiang palad, tumama ang eroplano sa mataas na bundok at sumabog.
-----
WAKAS






GINTONG ARAL:

Ang pagiging pakialamero at   usisero ay walang mabuting naidudulot sa atin kundi kapahamakan. Kapag wala tayong sapat na karunungan sa isang bagay, wag na tayong makialam nang hindi tayo napapahamak.

Thank you sa lahat ng bumasa. Comment po.

-MARWA ANGELA ENRIQUE


BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon