PULUBI SA DAAN

94 2 0
                                    

Hello po sa lahat ng readers, ang next story ko po ay all about kindness and humility. Sana po ma-inspire kayo. Ito po ay isa sa mga kwento ng Nanay ko noong maliit pa ako. Nagagandahan ako sa sa takbo ng kwento kaya gusto ko siyang isama dito sa inspirational stories ko...






***
Kwento ng Nanay ko, minsan daw meron isang bansa na pinamumunuan ng isang hari. So parang monarchy ang political system nila. Ito pong hari ay walang anak kaya namomroblema daw ito kung sino ang uupo sa kanyang trono kapag bumaba na siya. Dahil tumatanda na rin ito, naghanap daw ito ng isang taong karapatdapat pumalit sa kanya bilang hari.

Ang ginawa niya inatasan niya ang kanyang mga tauhan na magpaskil ng anunsyo sa bawat bayan ng bansang iyon. At lahat daw ng mga lalaking gustong mag apply ay inimbitahan sa palasyo para sa isang interview. Simple lang naman daw ang hinahanap ng hari, isang lalaking mayroong malaking pagmamahal at malasakit sa kapwa niya. Yun lang at wala ng iba.

Kaya naman, exited lahat ng mga kalalakihan sa bansang iyon dahil magkakaroon na sila ng pagkakataong mamuno kung saka-sakali. Dumagsa daw ang mga kalalakihan sa palasyo at lahat sila pumila para sa interview.

Sa kabilang dako, umabot ang anunsyong iyon sa malayong nayon at nabasa ito ng isang mahirap na binata. Nang malaman nito na naghahanap ang hari ng isang lalaking papalit sa kanya, nagdesisyon itong mag-apply. Ngunit dahil sa kahirapan ng buhay, wala man lang itong maayos na damit para sa interview, kaya nagtrabaho daw muna ito para naman may pabili siya. Ang binata daw na ito ay napakasipag magtrabaho, mabait, mawain at matulungin sa kapwa bagama't salat sila sa pamumuhay. Matulungin din daw ito sa kanyang magulang, sa katunayan siya ang tumataguyod sa pamilya niya.

Nang makaipon, kaagad daw itong bumili ng maayos na damit, bumili na rin ito ng mga pagkain na kakailanganin niya sa kanyang mahabang paglalakbay. Dahil galing siya sa pinaka malayong nayon ng bansang iyon, umabot sa limang araw ang kanyang paglalakbay at halos maubos na ang baon niyang pagkain.

Habang binabagtas niya ang maluwag na kalsada papuntang palasyo, merong daw itong nakitang pulubi na nakaupo sa tabi ng daanan. Nakakaawa daw ang pulubing iyon, tagpi-tagping ang suot na damit, nakayapak at nanginginig sa lamig. Nang tumapat siya dito ay agad siyang hinawakan sa kamay at garalgal ang boses na nagwika...

"Ginoo, tulungan niyo po ako, nilalamig po ako at nagugutom, wala pa akong makain, parang awa niyo na po. Pahingi naman po ako kahit konting tulong lang po." wika ng kaawa-awa ng pulubi.

Naantig daw ang puso ng binata kaya agad nitong hinubad ang damit niya at isinuot sa pulubi, pati tsinelas niya ay ibinigay rin.

"O, Tay, kain na po kayo... Pasensya na po, yan nalang po natira sa pagkain ko, eh. " sabi niya habang inaabutan niya ito ng tira niyang tinapay at tubig.

Tudo pasasalamat naman ang matanda at walang pagsidlan ang tuwa nito kasi may nag abot ng tulong sa kanya.

Dahil wala na siyang suot na maayos-ayos at nakayapak nalang, nagdalawang isip daw ang binatang ito kung tutuloy pa ba siya sa interview o hindi na. Nakakahiya naman kung haharap siya sa hari na maruming damit ang suot niya.

Sa huli nagpasya pa rin itong tumuloy nalang, sinuot niya ang marumi damit at nagpatuloy sa paglakad patungong palasyo.

Nang makarating daw ito sa palasyo ay agad naman itong sinalubong ng isang tagapag silbi at itinuro sa kanya ang daan papuntang malaking bulwagan ng palasyo kung saan nandun ang ibang mga aplikante. Pinagtinginan naman siya ng mga ito at pinagtawanan.

"Ginoo, wala po ba kayong maayos na damit, bakit basahan ang suot niyo?" puna sa kanya ng isang aplikante.

"Oo nga, parang galing pa yata yan sa bukid, eh." segunda naman ng isa pa at nagtawanan sila.

Makalipas ang ilang saglit ay tinawag na siya sa pribadong silid ng hari para sa interview. Pag pasok palang ng hari ay agad siyang nanikluhod upang magbigay galang. Nang mag angat siya ng mukha, nagtaka siya kasi kamukha ng hari ang pulubing tinulungan niya sa daan, kaya napanganga siya sa pagkabigla.

Napansin naman siya ng hari, para bang nababasa nito ang iniisip niya...

"Oo, ako nga. Ako yung pulubi sa daan na tinulungan mo." hinawakan niya ang binata at pinatayo.

"Pero mahal na hari, bakit kailangan niyo pong magdamit pulubi, hari po kayo. Bakit kailangan niyong gawin iyon?"

Sumagot daw ang hari sa binata...

"Dahil gusto kung makasiguro na yung papalit sa trono ko ay isang taong matulungin, maawain at may busilak na kalooban sa kanyang kapwa." aniya.
Kung nag anyong hari ba ako, malalaman ko ba kung ano ang totoong nasa kalooban mo? Syempre hindi. Kinakailangan kong magdisguise para masubok ko kung ano talaga ang nasa puso ninyo at gusto kong malaman kung sino sa inyo ang mayroon malasakit at pagmamahal sa kapwa. Ang pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit ay senyales na meron kang ginintuan puso at nakita ko iyon sa iyo. Dahil sa nakita kong pagtulong mo pulubi, ipinakita mo lang na tunay at sinsero ang pagmamahal mo sayong kapwa. Kailangan ng bansa natin ng isang katulad mo para mamuno. At dahil sa pinakita mong mabuting kalooban, pinatunayan mo lang na ikaw ang karapatdapat saking trono. " anang hari at nakangiti itong kinamayan siya.

"Naku, maraming salamat po, hindi ko inaasahang mapipili niyo ako." Tuwang-tuwa naman ang binata at halos mayakap na nito ang hari..

"Pangako, hindi po kayo magsisisi na ako ang pinili niyo. At kung sakali mang hindi ako pinalad na mapili niyo, hindi pa rin mawawala sakin ang pagiging matulungin saking kapwa dahil likas na po sakin iyon."
-----
WAKAS










GINTONG ARAL:

Sa buhay, mas mahalaga ang kabaitan kaysa sa karunungan. Ang pusong puno ng pagdamay at pagmamahal sa kapwa ay ang pinakamagandang regalong maibibigay natin sa mundo. Sana po na-inspire ulit kayo sa kwento ko...Salamat po mga nagbasa... God bless.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon