TUTANG MAY KAPANSANAN

77 2 0
                                        

Hello Readers,

I-share ko naman po sa inyo ang kwento ng Uncle ko, nangyari po ito doon sa aming probinsiya noong maliit pa lamang ako.







***
Si Tatang Marsing ay maraming aso sa bahay, sa katunayan lima na ang aso niya at yung isa ay may anak na limang tuta. Upang di na madagdagan ang kanyang pakainin ay nagpasya siyang ibenta ang mga tuta. May lahi ang aso niya kaya kampanti siyang mabibili ang mga ito.

Isang araw habang nagpapako siya ng signboard na "Puppies For Sale" sa labas ng gate, may isang batang lumapit sa kaniya.

"Tatang, gusto ko pong bumili ng tuta."

Napalingon si Uncle at nakita niya ang isang bata, sa tingin niya mga pitong taong gulang ito, nakasuot ng kupas na t-shirt at manipis na pantalon.

"Ano? Bibili ka kamo, mahal yun, anak, may lahi sila. Lahing Labrador ang mga tuta ko, baka di mo kayang bilhin." nakangiting sabi ng Uncle ko.

Napatungo ang bata at nag isip, mayamaya dumukot ito ng barya sa bulsa niya at ipinakita niya kay Uncle.

"Tatang, meron po akong pera. Ito po 35 pesos. Sapat na po ba ito para makita ko sila? Kahit makita ko lang po sila, masaya na po ako."

"Oo naman., sandali tatawagin ko."

Sumipol ng dalawang beses si Uncle at tinawag niya ang aso niya.

"Lassy...! Lassy....!"

Isang batik-batik na aso ang lumabas galing sa silong ng bahay habang nakabuntot naman ang apat nitong anak. Malulusog ang mga ito at masisigla.

Namulagat ang mga mata ng bata nang makita niya ang mga tutang humahabol sa kanilang ina. Nakita niyang nag-uunahan pa itong tumakbo. Subalit may napansin siyang gumagalaw sa silong ng bahay. May isa pang tuta doon at paika-ika itong lumabas upang humabol sa ina. Nakita niyang mas maliit ito kaysa sa mga kapatid. Malnourished at may kapansan sa kaliwang paa kaya di makalakad ng maayos.

"Tatang, gusto ko po ang tutang iyon." sabi ng bata sabay turo niya sa maliit na asong may kapansanan.

Napatingin si Uncle sa bata at natawa siya.

"Bakit naman yun ang napili mo, hindi mo makakalaro yun, may kapansanan yun at ang payat pa. Di katulad ng mga kapatid ang lulusog."

Yumuko ang bata at dahan-dahan nitong tinaas ang laylayan ng manipis niyang pantalon at pinakita niya kay Uncle ang prosthetic legs niya habang nakakabit doon ang artificial nyang sapatos.

"Ayos lang po, Tatang, parehas naman po kami may kapansan eh. Ako rin po hindi po ako makatakbo, may deperensiya din po ako sa paa tulad niya. Ang mahalaga po may nakakaintindi sa kaniya at sasamahan siya hanggang pagtanda niya."

Napaluha si Uncle at namangha siya sa tinuran ng bata. Agad niyang binuhat ang tutang may kapansanan at inabot niya sa bata.

"Magkano po?" masayang tanong ng bata, halatang tuwang-tuwa ito habang yakap-yakap niya ang tuta.

"Saiyo na yan, anak. Libre yan, walang bayad. Kahit kailan hindi binibili ang pagmamahal. Kusa itong ibinibigay." nakangiting sabi ng Uncle ko habang ginugulo niya ang buhok ng bata.

"Maraming, maraming salamat po!" tuwang-tuwang umalis ang bata habang yakap-yakap niya ang alaga niya at pinaghahalikan pa niya ito.

"Alagaan mo yan nang mabuti ha?" sigaw pa ni Uncle habang hinahatid niya ng tingin ang bata.
-----

WAKAS







GINTONG ARAL:

Kahit kailan, hindi matutumbasan ng salapi ang pagmamahal. Pagmahal mo ang isang tao hindi ka humihingi ng kapalit. Handa kang magparaya, gagawin mo ang lahat para maging masaya siya. Uunahin mo ang kapakanan niya bago ang sayo. Kapag mahal mo ang isang tao nakahanda kang samahan siya sa hirap man o ginhawa.Yan ang tinatawag na unconditional love. Katulad ng bata sa kwento, handa niyang samahan ang aso niya at iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Iparamdam na may nakakaintindi sa kanya. Iparamdam na may nagmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang kapansanan. Thank you po sa lahat ng nagbasa at na-inspire. God bless!

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon