TAGAPAGSILBI NG HARI

43 2 0
                                    

Ang tema po ng kwento ko ngayon ay tungkol po sa loyalty. Sana po magustuhan niyo.









***
Noong taong 1700, merong isang malupit na hari na kinatatakutan ng kanyang mga nasasakupan. May alaga itong sampung mababangis na aso na kayang pumatay ng tao. Mataas ang tingin sa sarili ng haring ito, pakiramdam niya siya ang batas at kapag sinalungat mo siya, kamatayan agad ang kahahantungan mo. Kahit ang konting pagkakamali ay hindi nito pinalalampas.
Isang araw, nangahas ang isang tagapagsilbi nito na kausapin siya, magpapalam sana ito para makauwi sa pamilya niya.

Kinakabahan man ay lumapit ito sa trono ng hari at nagsalita...

"Kamahalan, mawalang galang na po, magpapaalam po sana ako, gusto ko po sanang umuwi muna sandali, dadalawin ko lang po ang nanay kong may sakit?"

Tiningnan siya hari, napakaseryoso ng mukha nito. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka pwedeng umalis, tambak ang trabaho dito sa palasyo. Mas kailangan ang serbisyo mo kaysa sa ano pa man."

Ngunit nagpatirapa ang tagapagsilbi at nagmakaawa ito sa paanan ng hari...

"Kamahalan, parang awa niyo napo, kailangan po ako ng nanay ko, nakikiusap po ako, payagan niyo na po akong makauwi kahit sandali lang." subalit singhalan lang siya nito.

"Narinig mo ba ang sinabi ko? Walang aalis!"

Nagpupuyos sa galit na tumayo ang tagapagsilbi, nang dahil sa galit niya nakalimutan niyang hari ang kaharap niya at isang pagkakamali lang niya pwede siyang ipapatay nito.

"Wala kayong konsiderasyon!
Anong klase kayong hari, hindi na makatao yang ginagawa ninyo, pansarili lang iniisip ninyo!"

Hindi nagustuhan ng hari ang pananalita ng tagapagsilbi, kaya nagalit ito ng husto.

"Lapastangan! Sino ka para sumalungat sa mga pinag uutos ko, isa ka lamang hamak na tagapagsilbi dito. Wala kang karapatan turuan ako ng dapat kong gawin. Kawal, kunin ninyo siya at itapon sa mga aso, turuan yan ng leksiyon." galit na galit na sabi ng hari.

Kaagad siyang dinampot ng mga ito at marahas na hinilapapunta sa kulungan ng mababangis na aso. Pero nag makaawa ito na bigyan siya ng palugit kahit sampung araw lang para makasama ang nanay niyang may sakit. Pumayag naman ang hari tutal pagkatapos ng sampung araw ay mamamatay din naman ito.

Subalit, walang kaalam-alam ang hari na hindi ito umuwi sa kanila bagkus ay pumunta ito sa kulungan ng mga aso. Nakita niya kung gaano kabangis ang mga ito, naglundagan ang mga ito ng makita siya, nagtutulo ang mga laway na parang gutom na gutom. Kulang nalang ay sakmalin siya ng mga ito... Ilan na ring mga tao ang  tinapon ng hari dito para ipakain sa mga aso niya at ngayon siya na ang susunod.

Ngunit, hindi siya papayag na kainin lang ng mga ito kaya gumawa siya ng paraan. Nilapitan niya ang lalaking tagapag-alaga ng mga aso ng hari.

"Ginoo, maaari po bang humingi ng pabor, pwede po bang ako muna ang humalili sa inyo, ako muna ang mag aalaga sa mga aso kahit sampung araw lang?"

"Walang problema, pero kaya mo ba, mababangis ang mga iyan, hindi ka pa nila kilala."

"Ako na po bahala, kaya ko po iyan." aniya, purisigido na ito sa desisyon niya.

"Oh, sige basta, ingat ka lang."

Unang araw palang ay nakuha agad niya ang loob ng mga aso, isa-isa niya itong pinaliguan at pinakain. Minsan kinakausap niya ang mga ito at pinaramdam niya sa mga ito ang pagmamahal at pag aaruga, pinaramdam niya na hindi lang sila basta mga alaga kundi kapamilya. Hanggang sa mapaamo niya ang mga ito at naging kalaro niya na sa loob ng kulungan.

Makaraan ang sampung araw ay ipinag-utos na ng hari ang hatol sa kanya. Kaagad siyang hinila ng mga kawal at itinapon sa mga aso para ipakain.

Subalit nagulat ang hari nang hindi siya lapain ng mga ito, bagkus dinilaan pa siya sa mukha habang kumakawag-kawag ang mga buntot nila.

" Kawal, anong nangyari sa mga aso ko, bakit hindi siya nilalapa ng mga ito?" Nagtaka ang hari, kasi dati rati kapag may pinaptapon siya taong nagkasala, agad pinagpipiyestahan ng mga aso niya.

Tiningnan siya ng tagapagsilbi at nagsalita ito. " Pinagsilbihan ko sila ng sampung araw pero kahit maikli lang ang panahong nakasama ko sila, hindi nila kinalimutan ang pag aalaga ko sa kanila, ngunit kayo pinagsilbihan ko kayo ng sampong taon, pero kinalimutan niyo agad nang dahil lang sa isang pagkakamali?"

Nang marinig ng hari ang sinabi ng tagapagsilbi ay hindi ito nakapagsalita. Bigla itong natauhan kaya naman pinag-utos niya sa kanyang mga kawal na palayain nalang siya.
-----
WAKAS











GINTONG ARAL:

Matuto sana tayong tumanaw ng utang na loob sa mga taong naging parte ng maginhawa nating buhay. Kundi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa kinalalagyan natin. Salamat po sa lahat ng bumasa sa kwento ito. Sana po na-inspire kayo. God bless.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon