KAMBING AT ANG ALAMID

35 2 0
                                    

Naranasan niyo na bang ma-scam? Sino po ang mga na-scam na?  Mayroon po akong dalawang kwentong isi-share sa inyo, sana po ay may mapulot kayong aral dito. Alamid means fox in english.
Ito po ang una kong kwento...





***
Isang araw aksidenteng nahulog ang isang Alamid sa balon. Bagaman hindi malalim ang balong iyon, hindi niya kayang tumalon pataas para makaahon siya.    Sakto namang may napadaang kambing, uhaw na uhaw ito kaya sumilip siya sa balon. Nakita niya agad ang Alamid, ang akala niya bumaba ito para uminom, kaya nag tanong siya...

"Kaibigang Alamid, masarap ba ang tubig diyan?"

Sumagot naman ito na may halong pang aakit. "Ay, kaibigang Kambing, a sarap sobrang sarap at ang lamig pa.  Parang ayoko na ngang umalis dito, eh."

"Talaga?"

"Oo, halika na, bumaba kana rito uminom kana. Bilisan mo,  makita pa tayo ng iba."

Nagmamadaling bumaba ang kambing sa balon kasi nga uhaw na uhaw na siya at gusto niya ng makainom ng tubig.

Habang uminom siya ng tubig, mabilis namang tumalon ang Alamid sa likod ng kambing at umapak ito sa sungay niya kaya  nakaahon sa balon ng walang kahirap-hirap.

Huli na ng mapansin ng kambing na naisahan pala siya ng kaibigan niya.

"Hoy, hoy, saan kana? Wag mo 'kong iwan dito, kaibigang  Alamid. Sandali lang!"

Bago ito tumakbo papunta sa kakahuyan, nilingon muna siya nito at nag wika...

"Tatanga-tanga ka kasi, kaibigan, eh. Sana bago ka tumalon diyan inisip mo muna kung paano ka makakaahon."

Pagkasabi ay tumakbo na ito sa kakahuyan at naiwang mag isa ang kambing sa loob ng balon.
-----
WAKAS








GINTONG ARAL:

Minsan padalos-dalos tayo sa mga desisyon natin kaya ang ending napapahamak tayo. Para tayo kambing sa kwento sunggab ng sunggab di muna nag iisip.

-MARWA ANGELA ENRIQUE

BEST INSPIRATIONAL STORIES (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon