Alas otso pa lamang ng umaga, nandito na kami sa mini forest ng Aregdon State University. Maraming fruit-bearing trees kaya nangunguha kami ng guyabano at abokado, sayang naman kasi kung mabubulok lang.
Saka puwede namang manguha basta huwag lang sasayangin. Dapat manguha ng kailangan lamang at kayang ubusin. Hindi ko lang alam kung puwede rin sa ibang state universities pero buti sa amin puwede. Malaking tulong ito para sa mga kagaya kong walang pang-merienda.
Kaonti pa lamang ang estudyante rito, karamihan sa kanila nag-aaral. 'Yong iba nagchi-chismisan at 'yong iba nangunguha rin ng prutas gaya namin.
Presko ang hangin dito kahit may sikat ng araw hindi masangsang ang paligid dahil maraming mga puno at halaman. Iba't-iba rin ang kulay at laki ng nagliliparang mga paruparo at padapo-dapo sa mga namumukadkad na bulaklak.
Mayroong mga pulang rosas, may kahel na orchid, may kalimbahin na bougainvillea. Tapos maraming mga bench dito na napinturahan ng white, puwedeng-puwedeng tambayan ito kapag nag-re-review. Masarap sa pakiramdam dahil maaliwalas ang paligid.
Hanggang sa nahagip ng mata ko si Arman, ang man of my dreams. Pagdating talaga sa lalakeng ito napakatalas ng paningin ko. Parang biglang nagiging magnifying glass.
Nakadekuwatro siya habang nagbabasa ng makapal na libro.
'Yan tama 'yan mag-aral kang mabuti para magkaroon ka ng matinong trabaho para sa future natin hehe.
Ay, ano ba naman itong mga naiisip ko. Napapangiti tuloy ako at parang may sumusundot sa akin.
Ang puti niya, matangos ang ilong tipong kahit nakaharap siya halatang pointed nose saka may pagka-brown ang buhok niya.
Mas lalo tuloy siyang naging hot. Pabilog ang frame ng salamin niya, kinakagat-kagat ang dulo ng sign pen at nakataas haggang siko ang suot niyang white na long sleeves.
Grabe! Para siyang mafia boss sa wattpad. 'Yong mafia boss na cold sa una, palaging nakakunot ang noo tapos umiigting ang panga.
Ilang anak ba ang gusto mo ibibigay ko agad
"Hehe why naman ganon ang tini-think ng brain?"
Pakiramdam ko nauunat ang buhok ko sa ibaba kapag nakikita ko si Arman.
What if mag-propose na ako sa kaniya ora mismo? Since 'di naman siya kumikilos ako na kaya magyaya sa kaniya? Hehe p'wede, p'wede.
"Melody!" Napahawak ako sa noo ko nang biglang may nambato sa'kin ng abokado. Ang sakit, ha.
"Ano ba! Bakit ka ba sumisigaw at nambabato ka pa?" Naiinis kong sigaw kay Hubert, siya ang mortal enemy ko.
Kung si Arman ang man of my dreams, si Hubert naman ang aking man of my nightmare.
Diba ganoon naman talaga sa buhay merong prinsepe tapos merong halimaw. Si Arman ang prinsepe tapos si Hubert ang halimaw. Kumbaga sa mga movie, siya ang kontrabida. Alam niyo 'yong horror movie na halimaw sa banga? Ganoon na ganoon hitsura ni Hubert, e.
Hindi talaga lumilipas ang araw nang 'di kami nagsisigawan o nag-aaway. Parang hindi rin kasi nabubuo ang araw ko kapag 'di ko siya nasigawan.
Nakaiinis kasi siya! Palagi niya akong inaasar lalo na kapag andiyan si Arman. Para bang nananadya. Para pumalpak ako sa harap ng crush ko. Gawain ba ng matinong tao 'yon?
Tipong dapat maganda ako tapos dalagang Pilipina, 'di makabasag pinggan, ganoon. Kapag andyan si Arman dapat magmukha akong kaibig-ibig tapos dahil sa pang-iinis ni Hubert 'yong pinggan tuluyan nang nabasag.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...