Chapter 48: Hubert's First Love

34 1 0
                                    

Kianbukasan ay late na ako nagising. Late na kasi ako nakatulog dahil nagwawala na naman si Daphne. Hindi ako umalis sa tabi niya hangga’t hindi siya kumakalma.

Pagbangon ko ay may kape na nakalagay sa lamesa ko at umuusok pa. Merong pulang rosas sa tabi ng tasa at isang sticky note.

“Pumunta ka rito sa outside kitchen. From Hubert,” basa ko at lumabas ng bahay habang hawak ang tasa.

Nagpahatid ako sa body guard ko gamit ang e-bike. Saan ba kasi ‘yong outside kitchen na 'yan? Nakalimutan ko na kasi kung saan iyon. Napakalawak naman kasi rito sa farm.

Humihigop ako sa kape nang makita si Hubert na nasa kusina na open na open ang area. Gawa rin sa kawayan ang mga materyales kung saan siya nakatayo at naghuhugas ng mga gulay.

"Salamat ho," sabi ko kay kuyang guard.

"Wala hong anoman." Umalis na siya kaya naman lumapit na ako kay Hubert.

Kubo-style itong kitchen at yari sa mga lumang gamit ang mga gamit panluto. Tapos may mga kahoy na maayos na nakasalansan sa itaas ng lutuan.

“Bakit?” tanong ko asaka humigop ng kape.

“Tulungan mo ko,” aniya habang pinagmamasdan ang lamesa na punong-puno ng mga gulay, karne, isda at kung ano-ano pa.

“Anong tulong ba?” Humigop ako uli ng kape. Ang sarap. Ito ‘yong gusto ko sa kape ‘yong matapang ang pait.

“Ipagluluto ko kasi ang mommy at daddy mo,” umpisa niya.

“O tapos?”

“Kasasabi ko lang diba? Tulungan mo ako.”

“Bakit ba stressed na stressed ka? At ang sungit mo pa. Kaya mo namang magluto bakit nagpapatulong ka pa?”

“Mga magulang mo kasi ang nagturo sakin kung pano magluto.”

“O ‘yon naman pala, e. Yakang-yaka mo na ‘yan.”

“Hindi ko nga alam anong putahe ang lulutuin ko.”

“Eh ano bang mga tinuro nila sa’yong putahe?”

“Marami.”

“Gaya ng?”

“Curd, ham turkey, pasta tortelloni stuffling, croissant with chocolate filli—”

“O marami ka naman palang choices.”

“Syempre gusto ko ‘yong hindi pa nila natitikman,” nag-isip naman ako.

“Pansin ko mahilig sila sa mga sosyal na pagkain saka mahirap bigkasin.”
Napalabi ako.

“What if ilutuan mo sila ng Filipino dishes?”

Napatingin naman siya sakin. “Gaya ng?” taas kilang na tanong niya.

“Gaya ng sinigang na baboy,” syempre joke lang. Nagc-crave kasi ako sa sinigang kaya sinigang ‘yong sinabi ko hehe.
Kumagat ka please. Cross finger.

“Okay,” sabi niya saka pinulot na niya ang karneng baboy sa lamesa.

Napabulong naman ako ng yes at tumalikod na. Aalis na ako kailangan ko pang asikasuhin si Daphne. Hindi pa man ako nakalalayo ay hinila na niya ang damit ko.

"Ano ba!"

"Turuan mo nga ako diba?"

"Sinigang lang hindi mo alam?"

"Sige na babayaran ko ng kiss ang pagtulong mo sa'kin. Or you want something more intimate?"

Kaya naman agad na akong kumilos. Nangingisi siya sa inasta ko.

Tinulungan ko na nga lang siyang maggayat ng mga ingredients. Tapos habang naggayat kami ay nagchichismisan na rin kami.

“Si Monic?”

“Ano pa? Edi nagwow-work out,” sagot naman niya at nginuso ang kanan niya kung nasan ang maliit na gym namin. Mula rito ay kita ko si Monic na nagbubuhat ng dumbbell.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon