Chapter 27: Double Dutch

47 2 0
                                    

Gabi na nang tumigil ang sinasakyan namin sa isang—

"Soda and Biscuit Factory?" Maarteng basa ni Monic sa nakatabinging karatula habang bumababa sa jeep.

Bago pa makasampa ang isang paa ni Monic sa lupa ay tinulak na siya agad ni Daphne kaya muntik na siyang mapasubsob sa lupa.

"My God! Be careful naman" Maarteng reklamo nito.

"Haaay napakaganda rito napakaraming pagkain," ani Daphne habang nag-iinat-inat at parang walang ginawa kay Monic.

"She really knew when and how to piss me. My God, she's really a bitch." Bubulong na sabi ni Monic saka sumunod kina Jimmy.

"Hindi ito ligtas na lugar para pagtaguan. Sa tingin ko kailangan natin ng ibang lugar," ani Jimmy na sinag ayunan ko.

Open na open kasi ang area. Walang harang. I mean merong harang pero 'yong mga pinto kasi rito eh 'yong parang sa palengke 'yong hinihila pababa saka gawa sa yero. Wala naman kaming susi kaya hindi namin maila-lock.

Inaagaw na ng dilim ang liwanag kahit alas kwatro pa lang. Alam mo 'yon? 'Yong may sinag  ng araw pero mapusyaw na tapos unti-unti na ring nagkukulay ano ang ulap. Parang anytime puwedeng bumuhos ang ulan.

"Naubusan ng gas ang jeep. Maghanap tayo ng pinakamalapit na gas station."  Susunod na sana ako nang hilain ako ni Hubert patawid sa kabilang kalsada.

"Maghahanap lang kami ng gasolina!" Sigaw niya sa mga kasama.

Habang ang mga kasamahan naman namin ay pumasok na sa loob at nagkaniya-kaniyang supot ng mga biscuit at soda.

Hawak kamay kami ni Hubert habang naglalakad. Hanggang sa—

"Hubert may bike," sabi ko at patakbong nagpunta ron.

Tinayo ito ni Hubert. Luma na ito at marumi. Kulay puti tapos may upuan sa likod kaya sumakay na kami ni Hubert.

Dinadama ng maliit kong mukha ang malamig na ihip ng hangin. Pipito-pito naman si Hubert habang nagpepedal. Mas lalo tuloy umiihip ang hangin.

Ilang sandali pa ay may nakita akong gas station. Sa kaliwa kasi patingin tingin si Hubert habang ako naman sa kanan para masuyod namin lahat ng dadaanan.

"Hubert don may gas station!" turo ko sa kabilang kalsada. Kaya naman tumawid kami ng kalsada gamit pa rin ang bike. Mabuti at walang zombies dito. Pinarada niya ang bike sa gilid.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Sa first floor ay gasoline station tapos sa second floor ay magarbong bahay.

"Wow!" Manghang sabi ko kasi ang aesthetic tignan ng mga gamit sa bahay.

Si Hubert naghahanap ng galon na pwede naming paglagyan ng mga gas. Pumasok siya sa loob at ang bumungad samin ay isang malaking fridge kung saan may mga nakalagay na iba't-ibang uri ng ice cream.

Diba ganon minsan sa mga gas station may ice cream din silang benta. Kaya naman nanguna ako at nilantakan.

Pagdating ni Hubert ay niyaya ko siya kaya kumain din siya.

"Ang sarap diba?" Tanong ko kay Hubert kaso nakatitig lang siya sakin. Pinapanuod kung paano ko dilaan at kainin ang ice cream. Pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin saka namumula ang tainga.

Napangisi ako. Iba na naman ang naiisip ng kumag na 'to.

"Siguro in-i-imagine mo na—"

"Tss. Manahimik ka nga."

"Suuus si Hal nag-i-imagine~" Pakanta kong sabi saka dinilaan ang ice cream na pinanuod naman niya ako kung pano.

"My God napakainit." Reklamo niya saka pinunasan ang pawis sa noo.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon