Hindi ko alam kung nanadya ba ang tadhana o ano. Nakaaasar! Kung kailan naman inaantok saka sila aatake. Uminom naman ako ng kape kanina pero inaantok pa rin ako.“Arat na! Arat na!”
Tamad na tamad kong inilabas ang weapon ko at naiinis na sumunod sa mga kasama ko. “Huwag ka nang sumama kung inaantok ka,” suhestyon ni Arman saka kinuha ang weapon ko.
“Ikaw na lang magbantay sa CCTV, Melody. Ikaw ang magiging mata namin sa labas,” sabi naman ni Jimmy at pinasuot sakin ‘yong wirelesss earphone na merong mic.
Tumango na lang ako at naupo sa swivel chair. Tinuro niya sakin kung paano i-on ang mic at kung ano-ano pa. Lumabas na sila samantalang ako ay naiwan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita ko na sila na nasa tapat ng isang mamahalin at sikat na clothing store. Si Hubert ang nangunguna sa daan samantalang kasunod naman niya sina Jimmy, Daphne at Monic habang nahuhuli naman si Arman na hawak-hawak ang tagiliran dahil sa malalim na sugat.
Palinga-linga sila sa paligid at tila naghihintay ng sasabihin ko, “Lakad lang kayo walang zombies diyan,” wika ko kaya nagpatuloy sila sa paglalakad.
Napansin kong napatingin sila sa wrist band nila at tumunog ito nang magkakasunod na beses so ibig sabihin may mga zombie na malapit sa kanila.Pagtingin ko monitor ng CCTV ay may mga zombie naman na mabilis na tumatakbo at madadaanan nila ang store na kinaroroonan nila Hubert.
“Makakasalubong niyo sila in three, two, one…” Nagbigay ako ng hudyat. Kung andoon lang ako ay titirahin ko sila ng sling shot. Sayang nga at nakalimutan kong ipahiram kay Daphne ito kanina.
Dahil si Hubert ang nangunguna sa daan ay agad niyang winasiwas ang weapon sa kalaban. Nagkaroon ng sugat ang zombie sa braso at tiyan. Tinadyakan naman ni Jimmy sa sikmura ang zombie na lalapit sa kaniya.
Sa tantya ko ay higit kinse ang mga zombie na kinakalaban nila. Hinawakan si Monic sa binti kaya tinaga niya ito sa leeg. Hindi pa niya napapatay ang zombie ay dinaganan na naman siya ng isang babaeng zombie kaya napasubsob siya sa sahig. Samantalang sina Daphne at Arman naman ay sinasakal ng dalawang babaeng zombie.
“Sa tingin ko kailangang andyan ako." Akmang aalis na ako.
“Huwag!” Sigaw naman ni Hubert na sa ngayon ay nakahiga na at may tatlong zombie na nakadagan sa kaniya atsaka ginagawa niyang panangga ang takip ng basurahan.
"Wow? Huwag sa lagay niyong 'yan?"
Sina Jimmy at Monic ay pinapalibutan ng mga zombie. Wala pa silang napapatay! Hindi pa nakakawala sina Arman at Daphne sa pagkakasakal ng mga zombie.
“Shit.” Ang tanging naiusal ko.
Tila nawala ang antok ko at agarang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Mabilis akong tumakbo, hindi ko inakala na ganito pala ako kabilis tumakbo sa ganitong klase ng sitwasyon.
Abot langit ang kabang nararamdaman ko ngayon. Alam mo ‘yong feeling na hinahabol ka ng limang aso tapos konting inch na lang maabutan ka na nila. Diba nakakanginig ng laman? Ganon na ganon ang level ng kaba ko.
Malapit na ako ron nang bigla na lang akong madulas at mapasubsob sa sahig. Naiiyak na ako sa takot na baka infected na sila at sa hapdi dahil nadapa ako. Tumayo ako at walang pagpapagpag na tumakbo kahit iika-ika.
Nang makarating ako ron, kahit malayo pa ay agad-agad kong tinira ng sling shot ang mga zombie habang tumatakbo papunta sa kanila. Mabuti na lang at unlimited ang bala na binigay ni sir Thomas sa akin. Paano naman kaya niya nagawa ang ganitong klase ng weapon?
Ramdam ko namang nabuhayan ng loob ang mga kasamahan ko nang awtomatikong bumagal ang mga kilos ng mga zombie.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Ciencia FicciónMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...