Napapalibutan na kami ni Hubert ng mga zombie! At ang mahirap pa ron, hindi namin dala ‘yong mga weapon namin. My God! Ang katangahan talaga hindi mawawala sa buhay ko.
“Paano na?” Kinakabahang tanong ko. Hinawakan ni Hubert ang kamay ko saka pinuwesto ako sa likod niya. Sinipa niya sa sikmura ang isang papalapit na zombie.
Gabing-gabi na ngayon at tanging liwanag lang ng bwan ang nagsisilbing ilaw namin. Mga sound and light reactor ang mga zombie kaya bumabase sila sa light at sound kung aatake kaya naman hindi ako nga-iingay.
Lalampa-lampa rin sila at hindi alam kung saan pupunta dahil medyo madilim dito kaya hindi nila kami makita. Nang akmang hahablutin ng zombie ang kamay ni Hubert ay tinadyakan ko ito sa mukha.
Oras na lumitaw ang kislap ng buwan at delikado kami dahil aggressive ang mga zombie na ito.
Nahawakan ng isang zombie si Hubert sa leeg. Kaya agad kong hinila ang damit ni Hubert. Naghihilaan tuloy kami ngayon ng isang zombie na sabog na sabog ang buhok.
“Bitaw na!” Inis na sabi ko.
“Shhh. Huwag kang maingay aatakihin ka nila." Bulong ni Hubert kaya napakagat naman ako sa dila.
Hinila ko si Hubert nang ubod ng lakas at nang mahila ko siya ay napasubsob ang pwet ko sa sahig. Anak ng...
Naunang makatayo si Hubert sakin kaya naman sinipa niya sa mukha saka sinundan ng suntok ang mukha. Napangiwi ang zombie at napaatras.
Tumayo na rin ako at nakipagtadyakan sa mga zombie. Sipa langa ko nang sipa at ang zombie naman parami nang parami. Napalilibutan nila kami kaya back-to-back kami ni Hubert ngayon.Sisipain ko n asana ang isang zombie na lalakeng kalbo kaso ang tigas ng bungo niya kaya naman tinataas-taas ko ngayon ang paa ko na sumipa s aulo niya kasi ang sakit talaga huhu.
Mangiyak-ngiyak ako habang nakanguso.
“Bakit?” Tanong ni Hubert.
“Ang tigas ng ulo niya." Turo ko sa zombie. Kaya nagpalit kami ng pwesto ni Hubert at siya na ngayon ang kumakalaban sa zombie na kalbo.
Kaharap ko ngayon ang tatlong magkakasabay na zombie. Teka namumukhaan ko sila. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanila at naamoy ko naman ang mabaho nilang hininga. Pinaningkitan ko sila ng mata at pinasadahan ng tingin.
Mga babae sila at naka-dress na halatang mamahalin kaso gusot-gusot at punit-punit na ang mga damit nila.
“Waaaaaaaaa! Hubert sila ‘yong mga admirers mo, o," sabi ko kay Hubert na busy makipaglaban.
“Ano ba sabi nang wag kang maingay.” Suway niya saka sinuntok sa ulo ang isang zombie.
“Sila yong mga admirers mo, oh. Naalala mo ba sila? Binigyan ka pa nga ng gift tapos pinatapon mo sakin. Waaaaaaaa! Tapos alam mo ba tinulak-tulak nila ako,” sabi ko saka ginaya kung pano nila ako tinulak sa balikat.
“Saka sinampal,” dagdag ko at akmang sasampalin siya sa pisngi kaso nagsalita siya agad.
“Ginawa nila ‘yon sayo?”
“Oo, di mo ba natatandaan?”
Wala siyang sinabi at pinagpalit kami ng pwesto tapos pinagtatadyakan niya sa sikmura 'yong tatlong zombie tapos sinuntok pa sa mukha. Ang brutal naman ni Hubert.
Nang hindi pa nasusuntok ni Hubert ang panghuling babaeng zombie ay bigla na lang siyang lumapit sakin at akmang kakagatin ako. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
Tinadyakan ko siya sa mukha kaya napaluhod siya sa sahig pagtapos ay hinila ko ang buhok niya at kinaladkad.
“Ikaw ha! Hindi ko nakalilimutan ang ginawa mo sakin.” Bigla tuloy naglaro sa isip ko kung pano niya ako tinulak-tulak at sinampal noon.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...