Nagising kami nang sabay at magkayakap, sobrang lapit din ng labi naming dalawa sa isa't-isa. Nanlalaki ang mga mata kong humiwalay sa kaniya dahil nagdikit nang sandali ang tungki ng mga labi namin. Lumakas ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ang init-init ng pisngi at tainga ko.
Pagkagising ko ay gising na rin siya. Kitag-kita kong nanlaki rin ang mga mata niya nang makita na magkadikit ang tungki ng mga labi namin. Pakiramdam ko naiilang kami kaya hindi kami makatingin nang diretso sa mata ng isa't-isa.
Nandito pa rin kami sa bahay na hindi sa amin. Nag-inat na ako dahil pakiramdam ko ang tagal kong natulog. Medyo nangawit na kasi ang kamay ko. Kumalam na ang sikmura ko at nahiya ako nang marinig iyon ni Hubert. Natawa siya nang mahina pero rinig ko naman.
"Huwag kang mag-alala hahanap tayo mamaya ng makakain," wika niya.
Sana nga talaga dahil sumasakit na ang tiyan ko. Gaya kahapon ay nagkape lang din kami. Ano ba itong bahay na ito kahit tinapay wala. Kung sabagay, hindi ko naman sila pwedeng i-judge baka walang-wala rin talaga sila.
Nanguha na lang kami ng mga pwedeng igamot sa mga sugat namin saka nagnakaw ng mga damit at sapatos. Naka-T shirt ako ng black na V-neck saka pantalon na maong at white shoes. Pagnanakaw ito alam ko pero kailangan namin ang mga ito.
Ginamot ko na ang sugat niya sa kaliwang kilay saka dibdib. Naka-topless siya sa harap ko. Parang ang init-init ng paligid, pinagpapawisan ako. Medyo nanginginig din ang kamay ko, nate-tense ako!
Teka, parang ang init ng hininga ni Hubert, nakatutok pa naman sa leeg ko sa bibig niya kaya nakikiliti ako. Nang kapain ko ang noo niya ay mataas ang lagnat niya.
"Nilalagnat ka nahawa ka ata sa akin." Inusig naman ako ng konsensya ko kaya aalagaan ko na lang siya.
Namumula rin ang ilong niya at singa siya nang singa. Binigyan ko siya ng tissue at nilagyan ng basang towel ang noo niya. Ni-lock ko ang mga pinto at bintana. Pinahiga ko lang siya sa kama at naglaga ako ng lasona.
Ipinainom ko sa kaniya ang pinakuluang lasona, naibuga niya ang unang tikim. "Ano ka ba huwag mong sayangin." Inis na wika ko.
"Ang pangit ng lasa! Gamot ba 'yan o lason."
"Tangik! Herbal medicine ito. Mabisa ito para mawala agad ang ubo mo," pang-uuto ko. Nang mauto ko siya ay pinatulog ko muna para makapagpahinga siya.
Natatakot ako baka pasabugin na nila ang Aregdon kahit hindi pa kami nakararating sa Santa Lucita. Sana naman makarating kami ron bago pa nila ito pasabugin. Hindi ko kasi mabasa ang galaw ng gobyerno. Hindi ko alam kung likas na sa kanila ang pagkawala ng konsensya. Bakit nila pasasabugin? Hindi pa sila aware sa mga posibilidad na maaaring marami pang natirang survivors?
Tinititigan ko na lang si Hubert habang tulog pa siya. Ang puti ng balat niya. Mas maputi pa siya kaysa sakin. Makapal din ang kilay niya at mamula-mula ang mga labi. Tapos 'yong mga titig niya aaminin ko, nakalulusaw. Tapos kapag tumawa siya pati mata niya nakangiti.
Kung tutuusin para siyang anghel na bumaba sa lupa. Kaso minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. Minsan hindi niya ako pinapansin, misan ang sweet niya pero madalas lagi niya akong binubwisit.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang aking wrist band. Lumabas ako at ni-lock ang pinto. Mayroong limang zombie at pinapakiramdaman nila kung mag-iingay ako. Kaya ginamit ko ang tirador at tinira ang dalawang magkatabing zombie. Ganoon din ang ginawa ko sa tatlo pa. Bumagal ang kilos nila kaya naman sinimulan ko na silang pagtatagain sa tuhod, sa balikat at sa leeg.
Halos atakihin ako sa puso nang paglingon ko ay sinakal ako ng isang zombie. Halos maihiwalay na ang bibig niya sa kaniyang katawan. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang baho ng hininga nila amoy nabubulok na bangkay. Tapos merong gumagapang na uod sa mga pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...