Nagising ako na nag-va-vibrate ang wrist band ko, ganoon din ang kay Hubert. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Hubert at ganoon din naman siya sa akin. Siguro dahil sa halikan namin kagabi. Sobra akong naiilang.
Pagtingin ko sa oras ay alas kwatro pa lang ng umaga. Napakamot ako sa ulo dahil ngayon pa talaga sila aatake. Kung kailan naman natutulog ang mga tao.
Tumayo na ako at kinuha ang weapon. Huminga ako nang malalim at lumabas ng bahay. Nilibot ko ang paningin sa labas ng bahay at nakita ko ang sampung zombies na pakalat-kalat kung saan. Madilim pa ang paligid pero visible naman sila dahil sa mga street lights. Pero kukurap-kurap ang mga ito kaya nagdulot ng chills sa katawan ko.
Maiingay ang mga singa ng mga zombie at malilikot ang mga ulo. Duguan din ang mga damit nila at ang iba ay nalaslas ang katawan at mukha kaya kitang-kita namin ang laman nila sa loob ng katawan.
Sinenyasan ako ni Hubert na palibutan namin ang mga zombie nang hindi nag-iingay. Kaya 'yon ang ginawa namin. Tinira ko ang mga zombie gamit ang sling shot kaya bumagal ang pagkilos nila.
Ginamit namin ang pagkakataon na 'yon para atakihin sila. Tinaga ko sa bukong-bukong ang isang babaeng zombie kaya napaluhod siya sa sahig. Pagkatapos ay tinusok ko ang pinakagitna ng ulo niya. Nagtalsikan ang dugo niya sa mukha ko.
Tinaga ko sa siko ang isang zombie na lalaki atsaka sinaksak siya sa puso. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawa pang zombie na magkalapit. Pagkatapos non ay tinulungan ko si Hubert dahil may dalawang zombie na babaeng nakakapit sa dalawang braso niya.
Kaya naman tinadyakan ko sa puson ang isang zombie atsaka sinaksak siya sa tiyan. Pinaikot ko ang kampihan habang nasa loob pa ito ng sikmura niya. Nang matapos kami ni Hubert ay hingal na hingal kami.
Papasok na sana kami sa loob nang mapansin kong umiilaw ang wrist band namin kaya naman tumakbo kami at lumabas sa gate. Naalala ko ang sinabi ni Jimmy na once na umilaw ang wrist band namin ay mayroong nagsusuot nito na ilang metro lang ang layo sa amin.
Makapal ang fog sa paligid kaya hindi ko makita pero alam kong may paparating. Ilang sandali pa ay nakita ko si Daphne na tumatakbo papalapit sa amin. Umiiyak siya at parang bata na tumatakbo. Hinahabol siya ng mga zombie. Malapit na siya sa gate nang biglang siyang madapa. Kaya agad akong tumakbo palapit sa kaniya.
Nang hahatakin ko na siya ay nahawakan pala ng isang zombie ang tuhod niya kaya pinagsisipa niya sa mukha. Tinulungan ko siyang tumayo pero may isang zombie na sumabunot sa akin kaya napahiyaw ako sa sakit.
Ginawa ko ang lahat para makaharap sa kaniya. Ang ginawa ko ay sinipa ko siya sa baba kaya napangiwi ang ulo niya. Tapos ay tinaga ko siya sa tainga. Nagsiltalsikan ang mga dugo niya sa mismong mukha ko.
Pagkatapos ko ay tinulungan ko nang tumayo si Daphne. Yumakap siya sa akin habang malakas na malakas na humahagulgol. "Tahan na...shhhh." Pang-aalo ko. Nanginging ang buo niyang katawan sa takot.
"A-akala ko mamatay na ako." Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya at nangangatog ang kalamnan niya. Rinig ko ring kumakalam ang sikmura niya. Ang dungis-dungis niya rin. Punit na ang ibaba ng damit niya tapos walang suot na sapatos ang isang paa.
Ilang sandali pa ay sinasaksak ni Hubert ang kakagat sana sa aking zombie. Natauhan si Daphne na kailangan pa naming makipaglaban kaya tumigil na siya sa pag-iyak at piangsasaksak ang mga zombie na paparating.
Mga nasa kinse pa ang kalalabanin namin. Kaya naman tinira ko muna sila ng sling shot kaya naman bumagal ang pagtakbo nila. Maiingay ang mga singa nila at malilikot ang mga ulo. Puro dugo ang mukha at katawan at nakita ko ang ang tiyan ng isang babaeng zombie na wakwak ang sikmura kaya nakalaylay ang mga isaw niya. Halos masuka ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science-FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...