Chapter 6: Dream

91 3 0
                                    

At ang bumungad sa'kin ay ang malakas na tawa ni Hubert. So kaya pala nag-vibrate ang phone ko ay dahil tinatawagan niya ang number ko at hindi dahil sa attack system!

Kaya naman pinaghahampas ko siya sa braso. Hayop na 'to. "Ano? Antok ka pa?" Hawak-hawak niya pa nag tiyan habang tumatawa.

Mabuti na lamang at nasa ibang kwarto ang iba naming kasama kundi ay malamang nagising na sila sa ingay namin.

"Hayop ka talaga!"

"Humans are the smartest animals," sagot niya. Aba't hindi talaga siya papatalo.

Hindi naman na sure kung mabubuhay pa ako sa mga susunod pang araw kaya naman susulitin ko na ang paghampas sa kaniya. At ang nakaiinis pa ay tawa siya nang tawa. Parang 'di man lang nasasaktan.

"Uhmmm...I'm sorry to interrupt your sweet moments but we're going to do our duty na." Hindi ko na namalayang apat na oras na pala ang lumipas. Mabuti na lang at pumasok sina Sir Thomas at Monic.

Ano raw? Sweet moments? Kadiri naman mga pinag-iisip nitong si Monic.

"Sa wakas! Makatutulog din." Atat na atat akong matulog. Tumayo na ako at habang palabas ng kuwarto ay napahikab ako at napa-unat ng kamay.

"A-aray! Ano ba! Nanadya ka ba?!"

Natamaan pala ng kamao ko 'yong ilong ni Hubert. Namumula iyon nang hawakan niya. Kaysa magsalita pa ay iniwan ko na siya ro'n at dali-daling pumasok sa kwarto na nakalaan para sa'min nina Daphne at Monic.

Nakatulog na si Daphne kaya nahiga na rin ako sa kama. Kaso imbes na sa kama ako nahiga ay nadiretso ako sa sahig. Ang sakit naunang tumama ang ilong ko.

Nilingon ko ang paligid baka kasi nakita ni Hubert ang katangahan ko at asarin na naman ako. Buti nakasara ang pinto. Kaya naman nahiga na ako ulit. This time inupuan ko muna ang kama saka nahiga. Mahirap na at baka matumba uli sa sahig

Kahihiga ko pa lamang sa malambot na kama ay agad na akong dinalaw ng antok.

*

Isang malawak na hardin, punong-puno ng makukulay na rosas at iba pang naggagandahang bulaklak. Ramdam kong may lumapit sa'kin. May inabot siya sa'king ilang piraso ng camia. Nanuot sa ilong ko ang halimuyak neto. Niyakap niya ako mula sa likuran, isang mahigpit na yakap bewang.

"Napakaganda mo." Malumanay pa rin ang kaniyang boses gaya ng dati.

Sabay naming pinagmamasdan ang namumulaklak na hardin. Ang maaliwalas na paligid. Ang mga paruparo at ibon na malayang maglalakbay sa himpapawid.

Si Arman, ang lalaking minahal ko ay sapat na para ipagpatuloy ang masalimuot kong mundo. Siya lang naman ang nagbibigay kulay sa tuwing nada-down ako sa buhay. Pero, dibale na, basta't narito si Arman.

"Mahal kita," aniya kaya't kunot-noo akong napalingon sa aking likod. Imbes kasi na malumay na boses ay barito ang narinig ko!

Hindi iyon pagmamay-ari ni Arman. Paglingon ko ay napaawang ang labi ko.

"Hubert?" Naguguluhang sambit ko.

"Melody!" Napabangon ako sa makapagdamdaming bangungot na iyon.

Bakit siya ang laman ng panaginip ko? Paanong naging siya si A-Arman? Hindi kaya...nababaliw na ako? Epekto ata ito ng zombie outbreak pati mental health ko nadadamay.

"Ba't ka nakangiti habang natutulog? May kumokontrol ba sa katawan mo? O sadyang may sayad ka lang?" Gusto kong sapakin si Daphne sa sinabi niya.

N-nakangiti?

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon