"Crap." Iyon lang ang nasabi namin ni Daphne habang nakatitig sa itim na usok.
"Sundan natin sila. Mukhang may nangyaring masama." Kinakabahang usal ko kay Daphne. Nanginginig pa ang kamay ko habang pilit na kino-contact si Hubert samantalang si Daphne naman ay tinatawagan si Jimmy.
Ang warehouse na sinasabi nila ay malapit lang dito sa school. Hindi pa aabot ng 7 minutes kung lalakarin.
Hindi na ako nagdalawang-isip, hinawakan ko ang kanang kamay niya saka hinila at tumakbo kami papuntang gate. Malapit lang naman ang event venue sa entrance ng school kaya 'di kami nahirapan ni Daphne. Kaso hinarang kami ng isang ROTC student, bawal daw lumabas at baka mapahamak kami.
"May kailangan kaming tingnan. Nasa labas ang mga kaibigan namin." Pakiusap ko sa lalakeng may matikas na pangangatawan, maitim at matangkad.
"Hindi p'wede, Miss." Nangunot ang noo ko sa sagot niya.
"Bakit naman hindi? Kailangan lang namin sunduin--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mag-vibrate ang phone ko.
Hubert calling...
"Hello? Hello, Hubert!" Sigaw ko sa kabilang linya. Ilang segundo na kasi ay hindi pa rin siya nagsasalita.
"M-makinig ka s-saking m-mabuti. Magtago kayo sa pinakaligtas na lugar. Kahit ngayon lang Melody makinig ka sakin." Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Halata rin sa boses niya na hingal na hingal siya. Ano bang nangyayari kasi?! Natatakot na ako.
"Kailangan daw nating mag--"
Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay may dumating ng sasakyan lulan ng mga sundalo, tumakbo sila papunta samin at agad agad ni-lock ang malaking gate.
"Pumunta kayong lahat sa social hall. At walang aalis do'n nang hindi namin sinasabi. Isara ang lahat ng pinto at bintana. Move! " Utos ng sundalo at halos masubsob kami ni Daphne nang ipagtulakan niya kami pabalik sa loob.
Nagsikalat ang ilan pang sundalo sa paligid at ROTC students saka inabisuhan ang mga estudyanteng pakalat-kalat. Naglalakad kami pabalik sa loob pero hinila ako ni Daphne at nagtago kami sa malapad na punong mangga.
"Kailangan nating makasiguro na darating dito sina Jimmy at Hubert. Iba ang pakiramdam ko sa sitwasyon. Nararamdaman kong may mali," wika niya nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Bakit may sundalo? Bakit nila sinabing magtago kami? May nangyari bang 'di maganda? At kung meron man, dapat lang naming hintayin sina Jimmy at Hubert para sabay-sabay kaming pumunta sa social hall.
Busy ang ilang ROTC Officer sa pagsabi sa nga tao na magpunta sa social hall at magtago roon.
"Ano ba kasing meron?!" Inis na sigaw ng isang babae.
"Sumunod lang ho kayo sa utos namin para sa ikabubuti niyo."
Mula rito sa tinataguan namin ay kita ang labas ng school kaya malalaman namin kung may paparating. Tumatagos sa grills ng gate ang tingin ko, umaasang makikita ang sasakyan nila Jimmy. Hanggang sa may nakita akong kakaiba sa labas ng campus.
May lalakeng wasak ang damit, mabagal maglakad at nakalaylay ang kaliwang balikat sa iisang side. Dahil malapit siya sa street lights ay nakita kong halata ang mga ugat niya sa mukha at kulay abo ang mga mata niya.
Napalunok ako. Mahilig akong manood ng movies tungkol sa mga undead kaya nang makita ko ang lalake ay alam na alam ko na agad kung ano siya.
Pero, hindi maari...
Papunta siya sa gawi ng mga ROTC Officer at ilang sundalo. Handa naman ang mga ito na dumepensa.
"M-melody, isa ba iyong..." Hindi na naituloy pa ni Daphne ang sasabihin nang lingunin ko siya at makita ang parehong kompirmasyon at takot sa mga mata ko. Dahil hawak ko ang kamay niya ay ramdam ko ang mas panginginig ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...